Facebook

ISKO, NAGRONDA SA MAYNILA HANGGANG MADALING ARAW

PERSONAL na nagronda sa mga kalye sa kabisera ng bansa si Manila Mayor Isko Moreno upang inspeksyunin ang mga nagaganap sa lungsod. Sakay ng mobile patrol car na personal niyang minaneho, ang pagronda ng alkalde ay nagsimula ng lagpas hatinggabi at natapos bago magmadaling araw.

Sa gitna ng pag-ulan minaneho ni Moreno ang mobile car na ginagamit ng special mayor’s reaction team (SMART) sa ilalim ng pinuno nitong si Lt. Col. Jhun Ibay na sinamahan din ang alkalde sa ginawang pag-iikot

Ginamit ng alkalde ang radyo ng patrol car upang pagsabihan ang lahat ng kanilang nakikita sa kalye na magsuot ng kanilang facemasks ng maayos at mag-physical distancing.

Lubha namang nasorpresa at natuwa ang mga taong maagang nagsisipagtrabaho nang makita ang alkalde na nagroronda at binibisita sila.

Si Moreno na ngayon ay sa Manila City Hall muling natutulog simula ng tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19 ay sinorpresa ang mga kalye sa lungsod nang biglaang pagiikot ng walang nakakaalam ng kanyang plano. Matatandaan na ilang buwan ding natulog ang alkalde sa kanyang tanggapan sa kasagsagan ng pandemya noong isang taon.

Inikutan ng alkalde ang Tondo area gayundin ang mga kaganapan sa abalang lugar ng Divisoria area kung saan muli niyang inulit ang paalala sa mga tao roon na isuuot ng maayos ang facemasks mag-observe ng safe distance mula sa isa’t isa dahil ito lamang aniya ang susi upang magpatuloy ang kanilang hanapbuhay sa araw-araw.

Sinabi ni Ibay na kasamang binisita ng alkalde ay ang mga sumusunod na lugar: CEU Mendiola,
Sampaloc, Blumentritt, Maceda, Solis, Gagalangin, Solis, Smokey Mountain, Herbosa, Velasquez, Panday Pira, Moriones, Kagitingan, Recto at iba pang loob na kalye.

Sa pamamagitan ng biglaang pagroronda ay nalaman ni Moreno kung paano ipinatutupad ang curfew hours sa lungsod ng mga barangay.

May mga nasermunan ding mga rider ng motorsiklo na walang suot na helmet ang alkalde at inobliga ito na isuot ang kanilang proteksyon sa ulo. Pinuri naman ni Moreno ang mga barangay officials na nakasalubong niyang nag-iikot din habang ang iba ay naka-duty at ipinatutupad ang curfew.

Muli ay pinaalalahanan niya ang mga ito na isuot ng tama ang facemasks kung saan natatakpan ang ilong at bibig at hindi ang baba.

Patuloy sa pagpapaalala si Moreno sa lahat ng residente ng Maynila na huwag magpabaya sa kanilang proteksyon kontra COVID-19 at ugaliing gawin ang minimum health protocols habang paparating pa lamang ang bakuna. Kailangang aniyang gawin ng boluntaryo ang sariling displina upang maproteksyunan ang sarili laban sa virus. (ANDI GARCIA)

The post ISKO, NAGRONDA SA MAYNILA HANGGANG MADALING ARAW appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
ISKO, NAGRONDA SA MAYNILA HANGGANG MADALING ARAW ISKO, NAGRONDA SA MAYNILA HANGGANG MADALING ARAW Reviewed by misfitgympal on Marso 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.