Facebook

Caramoan, nayari kay Gen. Francisco

NAKAKATUWA itong si PBGen. Leo Francisco, ang kasalukuyang hepe ng Manila Police District.

May nakapagkuwento kamakailan lang na nito palang nakalipas na Pebrero lang ay sinibak pala nito si Lt. Col. Ariel Caramoan, na dating hepe ng MPD-Station 5 Ermita Police Station.

Umikot daw kasi itong si Francisco sa kahabaan ng TM Kalaw at Roxas Boulevard at ni isang pulis ay wala itong nakita.

Nagtungo si Francisco sa Ermita Station at doon ay nagulat daw siya nang makita ang may 40 pulis na nasa loob ng airconditioned na istasyon.

Nabuwisit si Francisco at pinag-formation ang mga pulis, kasama na si Caramoan mismo, sa harap ng police station at mula dun ay pinagmartsa sila para daw makita nila ang kanilang nasasakupan na dapat sana ay binabantayan o nirorondahan nila imbes na nasa loob sila ng opisina.

Nakakahiya ang pangyayaring ito pero tama lang dahil matatanda na sina Caramoan at di na kailangan pang sabihan kung ano ang kanilang obligasyon sa publiko na siyang nagpapasuweldo sa kanila.

Ang natatandaan ko sa pamumuno ni Caramoan, siya ang hepe nang magkaroon ng isyu ang ilang tauhan ng Station 5 na nag-operate sa hurisdiksyon ng Station 6.

Nagreklamo ang mga laman ng bahay pati mga ibang residente hanggang sa pinalibutan na ang bahay kung saan naroon ang mga nasabing pulis.

Ilang oras ding hindi nakalabas ng bahay ang mga pulis dahil kukuyugin sila ng taumbayan. Kinailangan pang rumesponde ang SWAT para lamang mailabas ang mga pulis.

Ang ending, ‘yung mga nahuli ay dinala din sa MPD-Station 6 kung saan nagkaroon ng imbestigasyon at kasuhan.

Nakausap namin si Gen. Vic Danao, Jr. na noon ay kalilipat lamang ng Region mula MPD at nagkasakit ito sa iling sa ginawang pagtawid ng hurisdiksyon ng mga taga-Station 5 papunta sa area ng Station 6.

Hindi makapaniwala si Danao sa operation na ginawa nang walang kaukulang koordinasyon sa police station na tunay na nakasasakop sa area ng operasyon.

Nabanggit ko na nakakatuwa itong si Gen. Francisco. Bakit ang hinde? Eh ginawa niya ang isang bagay na dapat ay matagal nang nangyari. Hehehehhh…

Sa iyo Gen. Leo Francisco, saludo kami at sana ay dumami pa ang kagaya mo na pagdating sa trabaho ng kapulisan, hindi puwede ang pakaang-kaang lang!!

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.

The post Caramoan, nayari kay Gen. Francisco appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Caramoan, nayari kay Gen. Francisco Caramoan, nayari kay Gen. Francisco Reviewed by misfitgympal on Marso 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.