Facebook

2 libong nasunugan sa Cavite inayudahan ni Bong Go

KASUNOD ng paghingi ng tulong ng lokal na pamahalaan, agad nirespondehan at inayudahan ng outreach team ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga residente ng Kawit, Cavite na naging biktima ng malaking sunog noong Marso 19.

“Mga kababayan, gusto kong humingi ng tawad. Pupunta ako dapat diyan sa Kawit para makita kayo pero pinagbabawal ito ngayon ng quarantine restrictions. Huwag kayong mag-alala dahil hindi kayo pababayaan ng gobyernong ito na nagmamalasakit sa inyo,” sabi ni Go sa isang video message.

“Bilang Batangueño at adopted son ng CALABARZON region, palagi akong handang tumulong sa inyo sa abot ng aking makakaya,” ayon sa senador.

Matatandaan na noong February 10, 2019, ang mga gubernador ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ay naglabas ng manifesto na nagdedeklara kay Go bilang adopted son ng Region 4A, at tinawag siyang “Special Assistant to the People”.

Ang ina ni Go ay lumaki sa Batangas bilang miyembro ng Tesoro clan.

“Ang importante buhay po tayo. Ang gamit mabibili natin ‘yan at ang pera kikitain natin subalit ‘yung perang kikitain natin ay hindi mabibili ang buhay niyo,” sabi ni Go sa mga nasunugan.

Para masunod ang health and safety protocols na ipinatutupad ng gobyerno, nagsagawa ang grupo ni Go ng magkakahiwalay na aktibidad sa Florante Ilano Memorial Elementary School, Binakayan Elementary School at Binakayan National High School.

Umaabot sa 1,844 residente r 517 pamilya ang nabiyayaan ng meals, food packs at cash assistance. Nakataggap din sila ng vitamins, masks at face shields bilang proteksyon laban sa COVID-19.

“Maraming salamat kay Senator Bong at kay Presidente [Rodrigo] Duterte. Sana po ay ‘di kayo magsawa tumulong sa mga nangangailangan at sa mga walang ibang maaasahan,” sabi ni Jessie Morales, isa sa biktima ng sunog.

“Walang-wala na kami talaga. Hindi namin alam papaano kami mag-uumpisa, paano kami makakabangon dahil wala talaga kaming mapagkukuhanan ngayon ng pagkakakitaan, lalo ng bumalik tayo sa General Community Quarantine,” sabi ni Morales.

“As I have said numerous times, I will not limit myself to serving as a senator. Bilang public servant, magseserbisyo ako sa Pilipino kahit saan man kayo sa mundo para tugunan ang mga suliranin, pakinggan ang mga hinaing, at mag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati,” ang tugon ni Go.

“Kahit anumang problema ang inyong hinaharap — nasunugan, nabahaan o naapektuhan ng pagputok ng bulkan, — handa akong tumulong at maserbisyo sa inyo sa abot ng aking makakaya,” ipinangako ng senador. (PFT Team)

The post 2 libong nasunugan sa Cavite inayudahan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 libong nasunugan sa Cavite inayudahan ni Bong Go 2 libong nasunugan sa Cavite inayudahan ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Marso 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.