Facebook

Laban at bawing patakaran ng gobyerno pinuna ni Binay

IGINIIT ni Senadora Nancy Binay na dapat pag-isipang mabuti ng mga opisyal na nangunguna sa pag-aanunsyo ang mga patakaran na inilalabas sa publiko kaugnay sa COVID-19 health protocols.

Ito ay matapos maging tila laban at bawi ang naging polisiya ng gobyerno na matapos ipatupad ay babawiin din muli makalipas ang ilang linggo ng implementasyon.

Giit ni Binay, dapat mayroon nang malinaw at handang plano na ituturo sa taong bayan kung ano ang magiging sitwasyon kapag nagluwag ang ekonomiya ng bansa,

***

Samantala tinukoy naman ni Senador Franklin Drilon na isa sa dahilan kung bakit maraming pasaway ang na Pilipino ang lumalabag sa health protocols ay ang mga opisyal ng pamahalaan na hindi nagbibibigay ng magandang halimbawa sa pagsunod.

Ito ang inihayag ng senador, kung saan pinatutsadahan niya ang ilang mga opisyal na lumabag sa minimum health protocols.

Ayon kay Drilon, dapat na maging huwaran ang mga opisyal ng pamahalaan lalo na sa pagsunod ng mga panuntunan.

Giit nito, susunod lamang ang taong bayan kung may kredibilidad ang anunsyo ng gobyerno.

Matatandaang ilan sa mga lumabag na opisyal sa minimum health protocols sina General Debold Sinas, Presidential Spokesperson Harry Roque at si Secretary Salvador Panelo.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.

Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!

The post Laban at bawing patakaran ng gobyerno pinuna ni Binay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Laban at bawing patakaran ng gobyerno pinuna ni Binay Laban at bawing patakaran ng gobyerno pinuna ni Binay Reviewed by misfitgympal on Marso 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.