Facebook

2 patay, 2 sugatan sa banggaan na nauwi sa sunog

NAGLILIYAB nang datnan ng mga awtoridad ang isang motorsiklo at tricycle na nagsalpukan sa national highway sa Ilagan City, Isabela, Lunes ng madaling araw.
Kinilala ang mga nasawi na sina Rey Gadayos, 20 anyos, driver ng motorsiklo; at Jether Alfonso, 21, helper. At ang mga sugatan ay kinilalang sina Bryan Doque, 29; at pasaherong si Oliver Ramos, 22.
Ayon kay Police Lt. Col. Virgilio Abellera Jr, hepe ng Ilagan City Police, posibleng pag-agaw ng linya sa kalsada sa Barangay Alibagu ang naging dahilan ng aksidente.
Sa ulat, sa tindi ng banggaan, tumilapon sa kalsada ang mga sakay ng dalawang sasakyan.
Naisugod pa sa ospital ang mga biktima, pero dead-on-arrival si Gadayos na nagmaneho ng motorsiklo. Nasawi rin ang kaniyang angkas na si Alfonso.
Nasugatan naman ang driver ng tricycle na si Doque at pasahero nitong si Ramos.

The post 2 patay, 2 sugatan sa banggaan na nauwi sa sunog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 patay, 2 sugatan sa banggaan na nauwi sa sunog 2 patay, 2 sugatan sa banggaan na nauwi sa sunog Reviewed by misfitgympal on Marso 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.