Facebook

Disconnection crew ng power utility, kinuyog sa Iloilo

PINAGTULUNGAN bugbugin ng apat na lalaki ang isang kawani ng electric distribution utility na puputol sana ng kanilang linya ng kuryente sa Barangay Javellana, Jaro, Iloilo City, Lunes ng tanghali.
Nakunan pa ng video ang pambubugbog ng may-ari ng bahay at mga kasamahan nito sa kawani ng MORE Power Corporation. Makikita rin sa video ang tangkang pag-awat ng kasamahan ng biktima.
Sa imbestigasyon ng Jaro Police, naka-schedule na putulan ng kuryente ang bahay ng nambugbog dahil hindi makabayad ng kanilang electric bill na umabot sa P26,000.
Sa ulat, ilang beses nang tinangka putulan ng kuryente ang bahay subali’t palagi nitong binabantaan at tinatakot ang disconnection team.
Nagtamo ng galos at pananakit ng katawan ang biktima.
Nakakulong na sa Jaro Police ang nambugbog at nakatakdang sampahan ng kasong direct assault to person in authority at physical injury. At pinaghahanap pa ng awtoridad ang mga kasama nitona nakatakas matapos ang insidente.

The post Disconnection crew ng power utility, kinuyog sa Iloilo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Disconnection crew ng power utility, kinuyog sa Iloilo Disconnection crew ng power utility, kinuyog sa Iloilo Reviewed by misfitgympal on Marso 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.