Facebook

Anak ng ex-brgy. chairman pinatay sa harap ng 3 anak

SANG anak ng dating kapitan ng barangay ang pinagbabaril sa harap ng kanyang tatlong anak sa lungsod ng Koronadal.
Kinilala ang biktima na si Rodwin Ortiz Madria, 37 anyos, may asawa, vendor, residente ng Morrow St. Brgy. Zone 2, City of Koronadal at anak ng dating barangay kapitan.
Ayon kay PLt./Col Jeofel Siason, hepe ng Koronadal City PNP, susunduin sana ng biktima ang asawa nito na cook sa isang restaurant nang pagbabarilin 9:00 ng gabi noong Lunes, Marso 15.
Ayon kay Siason, sakay ang biktima ng tricycle kasama ang kanyang 3 anak nang dikitan ng mga salarin at pinagbabaril .
Nagtamo ng 3 tama ng bala sa ulo ang biktima dahilan ng kanyang agarang pagkamatay. Hindi naman ginalaw ang kanyang tatlong anak.
Sa ngayon, nasa trauma pa ang mga anak ng biktima sa nakita nilang pagpaslang sa kanilang ama.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.

The post Anak ng ex-brgy. chairman pinatay sa harap ng 3 anak appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Anak ng ex-brgy. chairman pinatay sa harap ng 3 anak Anak ng ex-brgy. chairman pinatay sa harap ng 3 anak Reviewed by misfitgympal on Marso 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.