Facebook

Titser inatado ng saksak ng lalaking pinapasok sa parlor

PATAY ang 44-anyos na guro nang pagsasaksakin ng lalaking pinapasok sa loob ng parlor sa Barangay Darat, Pinili, Ilocos Norte, Linggo ng madaling umaga.
Kinilala ang biktima na si Oscar Corpuz, guro sa Pinili National High School at taga-bayan ng Solsona.
Ayon sa hepe ng pulisya ng Pinili na si Police Lt. Reycar Almazan, nangyari ang insidente sa loob ng carinderia at parlor na pagmamay-ari ng biktima.
Sa report, 11:30 ng gabi may pinapasok si Dominguez na lalaki sa loob ng parlor kungsaan ito natutulog.
At 1:15 ng madaling araw, lumabas ang biktima at nagpatulong sa isang Barangay Kagawad ngunit bigla itong nawalan ng malay at natumba.
Ayon sa ulat, nagtamo si Dominguez ng apat na tama ng saksak sa kanyang katawan at naiwan pa sa kanyang likod ang limang pulgadang kutsilyo na ginamit ng salarin.
Sinabi ni Police Major Sheryl Guzman, spokesperson ng Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO), nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon para madetermina ang salarin at motibo ng krimen.
Walang namang nawalang gamit ng biktima.

The post Titser inatado ng saksak ng lalaking pinapasok sa parlor appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Titser inatado ng saksak ng lalaking pinapasok sa parlor Titser inatado ng saksak ng lalaking pinapasok sa parlor Reviewed by misfitgympal on Marso 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.