Facebook

Political instructor ng NPA todas sa bakbakan

NASAWI ang isang political instructor officer ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa pagitan ng militar sa Sitio Babacong, Balbalan, Kalinga.
Kinilala ang nasawi na si Rudy Daguitan alyas ‘Pinpin’, Political Officer/Instructor ng KLG Baggas, Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC).
Sa report, narekober ng tropa ng 50th Infantry Battalion Philippine Army sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang baril na naiwan ng mga rebelde.
Nagpapatrolya umano ang mga sundalo sa nasabing lugar nang paputukan sila ng humigit-kumulang 20 miyembro ng mga rebelde na pinamumunuan ng isang alyas Mio ng Platoon Guevara, Komiteng Larangan Baggas ng Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC).
Tinutugis pa ng militar ang mga tumakas na mga rebelde. (Rey Velasco/Mark Obleada)

The post Political instructor ng NPA todas sa bakbakan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Political instructor ng NPA todas sa bakbakan Political instructor ng NPA todas sa bakbakan Reviewed by misfitgympal on Marso 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.