Facebook

302 pagyanig naitala sa pag-aalboroto ng Bulkang Taal

TINATAYANG aabot sa 302 volcanic earthquakes ang naitala sa panibagong pag-aalboroto ng bulkang Taal kahapon ng umaga.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kabilang sa pagyanig ang may 184 volcanic tremor at ang may 118 frequency volcanic earthquakes.

Ayon sa PHivolcs na nakataas ang bulkang Taal sa Alert Level 2 at patuloy na minomotor ang paulit ulit na pagsabog ng bulkan, pagyanig, mahinang ashfall at ang nakamamatay na volcanic gas.

Idinagdag pa ng ahensya na patuloy na nakataas sa Permanent Danger Zone (PDZ) ang paligid ng bulkang Taal .

Pinapayuhan din ng Phivolcs ang local government unit sa lugar na patuloy na i-assess ang sitwasyon ng bulkan upang makapag handa kung kinakailangan magsagawa ng evacuation sa mga barangay na nakapaligid sa bulkang Taal.

Pinalalalahanan din ng Phivolcs ang civil aviation authorities na payuhan ang kanilang mga piloto na iwasan magpalipad ng eroplano malapit sa bunganga ng bulkan.

Itinuturing na isang aktibong bulkang ang bulkang Taal dahil sa mga nakalipas na pag-aalboroto nito. (Boy Celario)

The post 302 pagyanig naitala sa pag-aalboroto ng Bulkang Taal appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
302 pagyanig naitala sa pag-aalboroto ng Bulkang Taal 302 pagyanig naitala sa pag-aalboroto ng Bulkang Taal Reviewed by misfitgympal on Marso 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.