Facebook

4 kidnap victims nasagip nang lumubog ang bangka

NAILIGTAS ng militar at pulisya ang tatlong Indonesian kidnap victims sa Pasigan Island, South Ubian, Tawi-Tawi nitong Huwebes ng gabi.
Kinilala ang mga nasagip na sina Riswanto Bin Hayono, Arical Kastamiran, at Arsyad Bin Dahalan, habang ang Filipino ay si Sahud Salisim alyas Ben Wagas.
Ang tatlong Indons ay kasama sa limang Indonesian nationals na nagtatrabaho sa Malaysian Fishing Firm na dinukot ng ng Abu Sayyaf Group sa Tambisan, Malaysia noong January 17, 2020.
Nakikipag-ugnayan na ang Wesmincom sa Indonesian government para maiuwi ang mga nasagip na bihag.
Isinasailalim na sa custodial debriefing ang mga nasagip na bihag sa tulong ng Marine Batallion Landing-6 at Tandubas PNP.
Ayon naman kay JTF Tawi-Tawi Commander, BGen. Arturo Rojas, iniiwasan ng mga bandido ang walang tigil na military operations sa probinsiya ng Sulu dahilan para ibiyahe ng mga bandido ang kanilang bihag sa probinsiya ng Tawi-Tawi sakay ng isang Jungkong.
Samantala, ayon kay PNP OIC Lt Gen. Guillermo Eleazar, 5:30 ng hapon nitong Huwebes nang makatanggap ng impormasyon ang Tandubas Municipal Police Station mula sa isang concerned citizen kaugnay sa survivors mula sa nagbanggaang bangka sa may karagatan ng Pasigan Laut, South Ubian, Tawi-Tawi.
Agad rumisponde ang grupo ni PCapt Al Kenneth Cayanga para i-verify ang ulat at nagsagawa ng rescue operations sa bangkang lumubog. (Mark Obleada)

The post 4 kidnap victims nasagip nang lumubog ang bangka appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4 kidnap victims nasagip nang lumubog ang bangka 4 kidnap victims nasagip nang lumubog ang bangka Reviewed by misfitgympal on Marso 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.