NADAGDAGAN pa ang tinatamaan ng Covid-19 sa hanay ng pulisya ng Manila Police District (MPD).
Ayon sa MPD Chief, Brig. Gen. Leo Francisco, umabot na sa 77 ang bilang ng kaso ng mga nagpositibo sa kanilang personnel.
Karamihan sa mga pulis na nagpositibo sa Covid-19 ay mula sa MPD Station 11 sa Binondo.
Sinabi ni Francisco na sa MPD Station 11 lamang ay nakapagtala na ng 59 kaso ng COVID-19 sa mga pulis.
Kaya nanatiling naka-lockdown ang istasyon bagama’t mayroon lamang naka-duty na isa hanggang dalawang pulis para magbantay.
Ilan sa mga tinamaan ng sakit ay dinala sa Delpan, Binondo quarantine facility.
Ang ibang pulis ay pinapa-swab test na lalo ang nagkaroon ng closed contacts sa mga nagpositibong kaso o may sintomas, na sagot ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
Sa MPD headquarters naman ay halos araw-araw nagsasagawa ng fogging/disinfection, isa sa precautionary measures kontra COVID-19. (Jocelyn Domenden)
The post 77 MPD pulis na ang tinamaan ng Covid-19 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: