Facebook

4 bandidong BIFF todas sa militar

APAT na miyembro ng bandidong grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasawi nang pakikipagbakbakan sa militar sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon sa 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central Commander, Major/General Juvymax Uy, nakatanggap sila ng impormasyon sa presensya ng Dawlah Islamiya Terror Group ng BIFF sa SPMS Box kaya kaagad nagresponde ang tropa at nangyari ang bakbakan.
Plano, aniya, ng mga terorista na salakayin ang Joint Peace and Security Team (JPST) outpost ng militar, PNP at MILF sa Barangay Kitango, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.
Sinabi ni Ist Mechanized Brigade Commander, Colonel Pedro Balisi, na agad silang nagresponde at nakasagupa ang tinatayang tatlumpung bandidong BIFF.
May ilang bakwit ang nagkompirma na apat sa mga bandido ang nasawi at marami ang nasugatan nang tamaan nang mortar ng mga sundalo.

The post 4 bandidong BIFF todas sa militar appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4 bandidong BIFF todas sa militar 4 bandidong BIFF todas sa militar Reviewed by misfitgympal on Marso 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.