NASAWI ang isang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Bernie Rosales Pajenado, 43 anyos, residente ng Barangay Malangag Antipas, North Cotabato.
Ayon sa hepe ng Antipas Police na si Major John Calinga, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo patungo sa kanyang trabaho nang abangan ito ng ‘di kilalang salarin at pinagbabaril ng 12 guage shotgun.
Agad tumakas ang salarin na sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama sa gilid ng kalsada.
Marami ang naniniwala na may kinalaman sa trabaho ang motibo ng pagpatay kay Pajenado.
The post BPAT member patay sa ambush appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
BPAT member patay sa ambush
Reviewed by misfitgympal
on
Marso 19, 2021
Rating:
Walang komento: