APAT ang patay sa magkakahiwalay na aksidente sa lalawigan ng Iloilo nitong Linggo.
Sa ulat, sa Barangay Molo sa bayan ng Maasin ay nasawi ang mag-ina nang madaganan ng cement mixer.
Ayon sa report, nahulog ang cement mixer sa bangin nang magkamali sa pagtantiya ang driver.
Kasama ng driver ang kaniyang asawa at 8-taon gulang na anak nang mangyari ang aksidente.
Nag-panik ang mag-ina kaya tumalon sa trak, pero sa kasamaang palad nadaganan ang mga ito.
Patay naman ang 80-anyos na lalaki sa bayan ng Oton nang mabangga ng truck.
Ayon sa report, biglang tumawid ang biktima sa kalsada sa Barangay Calamaisan at hindi namalayang may parating na trak.
Kulong ang driver ng trak, na nakatakdang sampahan ng ‘reckless imprudence resulting in homicide’.
Samantala, patay ang isang lalaki habang 3 ang nasugatan sa aksidente sa bayan ng San Enrique.
Sakay ng motorsiklo ang nasawing si Vincent Celiz kasama ang 2 pang angkas nang mabangga nila ang isang batang patawid ng kalsada.
Nang tumumba ang motorsiklo, nagulungan naman sila ng kasalubong na tricycle at nakaladkad nang ilang metro.
Agad dinala sa ospital ang mga sangkot sa aksidente pero idineklarang dead on arrival si Celiz.
The post 4 patay sa aksidente sa Iloilo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: