Facebook

5 barangay sa Maynila, ila-lockdown

LIMANG barangay sa lungsod ng Maynila ang nakatakdang isailalim sa limang araw na lockdown bunsod na rin nang pagtuloy na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) doon.

Alinsunod na rin ito sa inisyung direktiba ni Manila Mayor Isko Moreno kay Manila Barangay Bureau (MBB) Chief Romeo Bagay, na kaagad na magsagawa ng localized lockdown kung kinakailangan sa mga lugar na nakikitaan nang patuloy ang pagsipa ng COVID-19 cases.

Sa isang dokumento na nilagdaan ni Bagay, at may petsang Marso 8, 2021, nabatid na kabilang sa mga barangay na isasailalim sa lockdown ay ang Barangay 351 sa Sta. Cruz at mga Barangay 675, 699, 701 at 725 sa Malate.

Sisimulan umano ang pagpapatupad ng lockdown mula 12:00 ng hatinggabi ng Marso 11, Huwebes, hanggang 12:00 ng hatinggabi ng Marso 15, Lunes.

Kaugnay nito, muling ipatutupad ang paggamit ng Quarantine pass para sa mga residente sa mga naturang barangay na kinakailangang lumabas ng kani-kanilang tahanan upang bumili ng pagkain.

Inatasan naman ng MBB ang Manila Police District (MPD), na pinamumunuan ni PBGen Leo Francisco, na magpakalat ng mga pulis sa mga barangay na isasailalim sa lockdown.

Magugunitang sinabi ni Moreno na posibleng i-lockdown niya ang buong Maynila kung magpapatuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 upang mapigilan ang patuloy na pagkalat ng virus at maprotektahan ang mga mamamayan. (ANDI GARCIA)

The post 5 barangay sa Maynila, ila-lockdown appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
5 barangay sa Maynila, ila-lockdown 5 barangay sa Maynila, ila-lockdown Reviewed by misfitgympal on Marso 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.