SA kabila ng kumpirmasyon ng Kongreso na iligal ang pagdaraos ng loterya sa mga lalawigan at bawal na mag-isyu ng franchise ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) pabor sa alinmang entity at indibidwal, ay patuloy naman na nagsasagawa ng lottery draw ang Global Tech, gamit na front ng mga jueteng operator sa ilang mga probinsya sa bansa.
Halos dalawang linggo pa lamang ang nakararaan ay ibinunyag ng House Committees on Games and Amusement and on Good Government and Public Accountability na walang kapangyarihan ang tanggapan ng PCSO na mag-isyu ng prangkisa para makapag-operate ng lottery sa mga lalawigan pagkat ang mandato nito ay “national in scope.”
Ayon sa mga miyembro ng komitiba, ay wala sa mandato ng PCSO na mag-isyu ng franchise para makapag-operate ng loterya sa mga lalawigan. Ang loterya sa probinsya ay di katulad ng nationwide na mga PCSO- lotto draws.
Ang PCSO lamang ang kailangang mamahala sa pagbobola ng loterya, ang nasabi ring ahensya ang magbibigay ng premyo sa nananalong mananaya na taliwas sa sitwasyong nananaig sa mga probinsya kung saan ang bogus na “franchise holder “ ang nag-ooperate at nagbobola ng loterya. Walang naiisyung prangkisa ang PCSO kundi permit bilang Authorized Agent Corporation (ACC) lamang.
Tiniyak ni PCSO General Manager Royina Garma kina SAGIP party- list Rep. Rodante Marcoleta, Rep. Eric Pineda ng 1 Pacman party list at Isabela Reps. Faustino Dy V, at Antonio Albano, Abra Rep. Joseph Sto. Niño Bernos (Lone District, Abra), at Rep. Michael Edgar Aglipay (Party-list, DIWA) na hindi franchise kundi permit bilang ACC lamang ang ipinagkaloob nito sa kanilang mga authorized agent sa mga probinsya.
Kaya ngayon ay malinaw na niloloko lamang pala ng mga nagpapakilalang “franchise holder” ng Perya ng Bayan (PnB) at Small Town Lottery ang kanilang mga mananaya sa buong kapuluan. Hindi pala totoong may ligal na PCSO franchise ang mga ito.
Dapat na kilalanin ng PCSO ang kanilang lehitimong ACC sa pamagitan ng media at social media kung sinu-sino ang kanilang mga ACC sa gayon ay maiiwasan ang pagpapanggap ng mga ito bilang franchise holders.
Bukong-buko lalo ang mga franchise holder kuno na wala ding pribilihiyo ang mga itong magsagawa ng lottery draw, magtakda, mamigay ng premyo at magkaloob ng share para sa pamahalaan.
Ang mga malalaking lottery operation pala sa bansa tulad ng Perya ng Bayan (PnB) ng Global Tech, na nag-ooperate sa mga lalawigan ng Cavite,Rizal, Laguna, Pangasinan, Cagayan, Mindoro at iba pang panig ng rehiyon ng MIMAROPA, at iba pa, ay pawang iligal ang operasyon.
Samakatwid ang tulad ng Perya ng Bayan ng Global Tech at STL ng Batangas Enhanced and Technology System Incorporated (BETSI) at ipa pa ay pawang iligal din ang operasyon kung pagbabatayan ang pagsisiyasat ng House Comittees ng Kongreso.
Ang nakakadismaya , ginagamit na front ang Global Tech -PnB sa pagpapatakbo ng jueteng ng isang kapatid ng kongresista na nag-ooperate sa mga lalawigan ng Cavite, Rizal, Pangasinan, Cagayan, Oriental Mindoro iba pang panig ng MIMAROPA at iba pang probinsya.
Pinalilitaw ng isang alias Chito na may iniisyung franchise sa Global Tech ang tanggapan ng PCSO para makapagsagawa ng PnB Lottery sa mga nasabing lalawigan na mahigpit namang itinatanggi din ni Garma. Tumatabo ng bilyones na salapi sa buwanang operasyon ng iligal na pasugal si alias Chito.
Ang nananalong kumbinasyon sa PnB ang kinakapital naman ng mga jueteng lord sa mga nabanggit na mga probinsya para malayang makapangolekta ng taya sa jueteng na tatlong beses na binobola sa mga nasabing lalawigan.
Itinuturo din ng mga lokal na jueteng operator si alias Chito na nagpapakilalang namang kapatid ng mabusisi at maligalig na kongresistang si alias Mikeey na siyang pangkalahatang operator at financier ng PnB cum jueteng sa mga nabanggit na probinsya.
Tagapamahala ni alias Chito sa pag-operate ng jueteng sa Cavite ang mga kilalang sakla operators doon na sina alias Zalding Kombat, alias Kaloy Kolanding at Alwin.,
May mga safehouse ang mga ito na ginagamit din sa pagbebenta ng shabu at rebisahan ng jueteng bets sa Cavite City, General Trias City, Tagaytay City, Bacoor City, siyudad ng Imus, at Trece Martires City, mga bayan ng Alfonso, Amadeo, Carmona, Emilio Aguinaldo, Gen. Mariano Alvarez, Gen. Trias, Imus, Indang, Kawit, Indang,Tanza, Maragondon, Mendez, Naic, Novelita at Ternate.
Ngunit walang aksyon laban sa mga ito sina Cavite Gov. Junvic Remulla. Isang alias Menong na nagpapakilala namang “bagman” ng tanggapan ni Gov. Remulla ang nagbigay ng bendisyon para magsagawa ng full-blast gambling operation sina alias Chito, Zalding Kombat, Kaloy Kolanding at Alwin sa buong probinsya ng Cavite.
Dati-rati sina alias John Yap at alias Jun Moriones ang benindisyunan ni Menong para mag-operate ng PnB cum jueteng sa Cavite, ngunit hindi nagbayad ang mga ito sa mga jueteng bettors nang tamaan ang kanilang pa-jueteng ng milyones na halaga.
Tumakbo sa lalawigan ng Rizal sina alias John Yap at Jun Moriones at doon nagpapa-jueteng. Nagtutulak din doon ng shabu ang mga ito sa bendisyon din ni alias Chito at ng isang retiradong pulis na alias Abion. Si Abion ay nagpapakilalang bagman ng opisina ni Rizal Govenor Rebecca “Nini” Ynares.
Tikom naman ang bibig at mistulang bulag sa malaganap na Pnb cum jueteng at drug operations sa mga nasabing lalawigan sina PNP Region 4-A director, PBG Felipe Natividad, Cavite Provincial director, P/Col. Marlon Santos at Rizal PNP Provincial director, P/Col. Joseph Arguelles.
***
SINOVAC DUMATING, COVID 19 DUMAMI!
HIGPITAN ANG PAGPAPATUPAD NG HEALTH PROTOCOL AT CURFEW! Ito ang utos ng DILG sa PNP sa pagtaas ulit ng COVID 19 cases. Ito, puros utos na naman, tapos nakanganga lang ang mga inutusan at sila mismo ang pasaway sa utos. Bakit biglang dumami ang COVID cases mula nang dumating ang Sinovac? Kayo na po ang bahalang mag-isip. Bakuna para sa virus ba yan o masamang virus sa pagdadala dito sa ating bansa, virus na nasa hangin o bagay na kapag nahawakan ay agad na dadapuan ka nito. Kailan ba nakaisip ng kabutihan ang bansang China sa ibang bansa, di ba ang target ng China ay sakupin ang mundo? Bakit di nila gyerahin na lang ang mundo kung kaya nila? Imposibleng masakop nila ang mundo o maghari sila. P%%%% ina mo Xi mawawala ka sa mundo , di mangyayari ang gusto mo. Tulad mo din ang mga sakim at ganid na ilang napakatataas na opisyales ng Republika ng Pilipinas- ngayon ay Province of China. Sulat ni Juan po…
***
Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com
The post LGU, PNP versus Global Tech! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: