Report ko lang po kay mayora at kay kapitana yung F. CARLOS ST. sa Barangay BAESA, Q.C. pakilinis at paki-ayos naman po yung makipot na kalsada, ang dami pong nakahambalang na sasakyan na wala sa lugar kung mag-park. Kaya tuloy kapag dumaan ka ibayong pag-iingat ang kelangan mo. At yung may mga tindahan sinasakop na yung kalye?- Concerned citizen
Bakit walang nananagot sa mga
katiwalian sa Duterte govt?
Maraming katiwalian pero walang nananagot sa Duterte govt. Nakakalungkot! Bakit ang daming katiwalian pero walang nananagot? Lalong naghihirap si Juan dela Cruz. Kelan kaya tayo matututo? Wala na bang pag-asa para makaahon ang Pinas sa kahirapan? Bakit walang nangyayari sa mga kasong isinampa sa magnanakaw ng kaban ng bayan? Bakit walang nagsasauli ng mg aninakaw? Ganyan ba talaga kapag makapangyarihan ok lang magnakaw kahit na mapatunayan nagkasala walang isa man ang magsasauli ng ninakaw? Ang mga mahihirap lalong naghihirap. Ang mayayaman lalong yumayaman. Ano pa kaya ang mangyayari sa hinaharap? May maganda pa kayang bukas para sa ating mga magiging apo? – Melissa Amatrian
The post Brgy Baesa, Q.C. chairman aksiyunan ang grabeng obstructions sa F. Carlos St. appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: