Facebook

BFP modernization bill ni Bong Go, aprub na sa Senado

SA botong “unanimous”, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill No. 1832 na magmomodernisa at magsasaayos sa Bureau of Fire Protection sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mandato, organisasyon at mga kagamitan nito.

Ang nasabing panukala ay pangunahing iniakda/ co-sponsored ni Senator Christopher “Bong” Go. Pangunahin din itong inisponsoran ni Senator Ronald dela Rosa, chairman ng Senate Committee on Public Order.

Ito ay consolidated version ng SBN 204 na iniakda ni Go, SBN 947 na iniakda ni Senate President Vicente Sotto III, at SBN 1017 na inawtor naman ni Senator Ramon Revilla Jr.

“Labis ang kirot na nararamdaman ng aking puso sa tuwing nakakakita ako ng mga pamilyang Pilipino na nawawalan ng mahal sa buhay dahil sa mga sakunang gaya ng sunog na maaari namang maiwasan,” sabi ni Go, nagsisilbing vice-chair ng Senate Committee on Public Order.

“Panahon na para i-upgrade ang pasilidad at kapabilidad ng Bureau of Fire Protection. Dapat maging mas proactive tayo. Bukod sa pagiging laging handa, dapat rin ay maging informed ang ating mga kababayan kung paano maiiwasan ang ganitong insidente, tulad ng sunog,” patuloy niya.

Sa SBN 1832, mandato ng BFP na iimplementa ang modernization program na magpapalakas sa kapabilidad ng mga tauhan nito, gayundin ang pagbili ng mga kinakailangang fire prevention and suppression, fire investigation, emergency medical and rescue services facilities at equipment.

Sa ilalim ng programa, ang BFP ay inaatasang magsumite sa kalihim ng Departments of the Interior and Local Government, at Budget and Management ng revised organization structure nito. Inaatasan din itong magsagawa o mag-estabilisa ng bagong training programs, qualification at upgrading program para sa mga opisyal at personnel.

Ang mga Fire Protection Services at rescue hotlines ay ilalagay sa bawat local government unit habang ang specialized fire protection services ay lilikhain para rumesponde sa espisipikong sunog, gaya ng chemical fires, high-rise building fires, forest fires, ship at aircraft fires.

Samantala, ang Search and Rescue Force and Hazardous Materials units gayundin ang fire and arson investigation units ay itatalaga sa bawat rehiyon at lungsod habang ang Emergency Medical Services ay ilalagay sa mga munisipalidad at lungsod.

Magsasagawa rin ng buwanang fire prevention campaigns and information drives sa pakikipagtulungan ng DILG at local government units para mapalakas ang awareness sa fire safety ng publiko. (PFT Team)

The post BFP modernization bill ni Bong Go, aprub na sa Senado appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BFP modernization bill ni Bong Go, aprub na sa Senado BFP modernization bill ni Bong Go, aprub na sa Senado Reviewed by misfitgympal on Marso 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.