Facebook

Pag-apruba sa batas na kumikilala sa Davao City bilang ‘cacao capital of the Philippines’, pinasalamatan ni Bong Go

PINASALAMATAN at pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang Senado sa pag-apruba sa batas na pormal na kumikilala sa Davao City bilang cacao capital of the Philippines.

Palalakasin ng nasabing batas ang produksyon ng Pilipinas sa industriya ng cacao industry sa pamamagitan ng pagkilala sa estado ng Davao bilang pinakamalaking prodyuser ng cacao.

“Maraming salamat po sa ating mga fellow senators sa kanilang suportang ipinakita sa panukalang batas na ito na layuning kilalanin ang Davao City bilang Cacao and Chocolate Capital ng bansa,” ani Go.

Ang Senate Bill No. 1741 o “An Act Declaring the City of Davao as the Cacao and Chocolate Capital of the Philippines” ay pumasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado niton Lunes.

Ito ay inisponsoran ni Senator Cynthia Villar, chair ng Senate Committee on Agriculture. Si Sen. Go naman ang co-author nito.

“Magsisilbing inspirasyon po ito sa ating mga cacao producers at farmers na patuloy na magsikap upang mapalago ang industriya na ito na hindi lamang nagbibigay ng karangalan sa Davao, maging sa buong bansa,” sabi ni Go.

Pinuri ni Go ang cacao farmers n Davao sa pagsasabing “Dahil po iyan sa ating mga masisipag na cacao farmers. Nagpunta rin po si Secretary William Dar kamakailan lang para i-recognize ang Davao City as the Cacao Capital of the Philippines dahil kami ang top producer ng cacao.”

Bilang isang Davaoeño, sinabi ni Go na proud siya na ang Davao City ang idineklarang Cacao at Chocolate Capital of the Philippines.

“Marami na rin pong nakamit na awards ang ating mga cacao producers from Davao mula sa iba’t ibang award-giving bodies sa buong mundo,” sabi ni Go.

“Highly sought-after ng chocolate makers from the United States, Japan and Europe ang ating mga cacao beans. I am beaming with pride over these accolades by our very own Filipino farmers, nakaka-proud maging Davaoeño at Pilipino,” dagdag niya. (PFT Team)

The post Pag-apruba sa batas na kumikilala sa Davao City bilang ‘cacao capital of the Philippines’, pinasalamatan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pag-apruba sa batas na kumikilala sa Davao City bilang ‘cacao capital of the Philippines’, pinasalamatan ni Bong Go Pag-apruba sa batas na kumikilala sa Davao City bilang ‘cacao capital of the Philippines’, pinasalamatan ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Marso 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.