BUNSOD sa biglaang pagtaas sa bilang ng mga nahahawaan ng sakit na COVID-19 sa ilang bahagi ng bansa ay nanawagan si QUEZON CITY 2nd DISTRICT COUNCILOR MIKEY BELMONTE sa mga pribadong sektor na mas paigtingin ang pakikipagtulungan sa pamahalaan lalo na sa pagsunod sa bagong mga direktiba upang limitahan ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang lunsod.
“Kahit na sinimulan na ang pagbabakuna sa bansa, ipinapakita ng mga datos na tumataas nga ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa ating lungsod. Hindi tayo pwedeng maging kampante lalo na ngayon kaya’t kailangang mas nakikipagtulungan ang iba’t ibang sektor ng lipunan,” pahayag ni BELMONTE nitong nakaraang Lunes.
Ang naturang COUNCILOR na siyang CHAIRPERSON ng COMMITTEE ON TRADE, COMMERCE AND INDUSTRY ng QC COUNCIL ay nanawagan sa mga negosyo at establisiyemento na pagbutihin ang kani-kanilang mga panuntunan alinsunod sa mga ipinapatupad na polisiya sa kanilang lokal na pamahalaan.
Inihayag nito na mula sa kaniyang distrito, ang BATASAN HILLS at COMMONWEALTH ay nagkaroon ng pinakamalaking pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa isang araw mula ika-28 ng Pebrero hanggang ika-6 ng Marso ayon sa Octa Research. Nakaranas din ang lungsod Quezon ng 40% na pagtaas kada linggo.
“Dito sa Quezon City, ipinapatupad namin ang resolution SP-8345-S-2020 na nagmumungkahi sa mga negosyo na magpasa ng mga customer o crowd safety management plan kasama sa kanilang mga sales promotion permit upang paigtingin ang mga health protocols tuwing may sales activities,” saad ni BELMONTE.
Ang nasabing ordinansa, aniya, ay makatutulong sa pagsugpo ng kumakalat na kaso lalo na’t sa mga lugar kung saan marami ang pumupunta.
Ipinapaalala rin ng konsehal na inaprubahan na ng lokal na pamahalaan noong ika-5 ng Marso ang bagong mga alituntunin sa ilalim ng general community quarantine. Mananatili pa ring sarado ang mga sinehan, video at game arcades, at theme parks, at inutusan din ang mga negosyo na gumamit ng digital contact tracing application na KyusiPass.
“Dahil sa mga bagong regulasyong ito, umaasa talaga tayo sa may-ari ng mga negosyo at sa kanilang mga kawani na manguna sa pagsisiguradong ligtas ang bawat establisiyemento sa banta ng COVID-19. Iniimbita rin namin sila na sumangguni sa lokal na pamahalaan para sa ibang suhestyon at anumang concern. Sa ating pakikipagtulungan, maaari nating panatiliing bukas ang ating mga negosyo at ang ating ekonomiya habang sinisigurado ang kaligtasan at kalusugan ng mga taga-QC,” pahayag pa ni BELMONTE.
SAN JUAN CITY MAYOR ZAMORA
ABSENT SA VACCINATION PROGRAM…
YES.., hinde po nakadalo sa inilunsad na VACCINATION PROGRAM si SAN JUAN CITY MAYOR FRANCIS ZAMORA sa kanilang lungsod.., yan ay sa kadahilananang naka-QUARANTINE ito hanggang ngayon sa CARDINAL SANTOS MEDICAL CITY dahil nahawaan ng COVID-19.
Sa naturang programa nitong umaga ng Sabado ay si SAN JUAN CITY VICE MAYOR WARREN VILLA ang rumepresenta para kay MAYOR ZAMORA na aniya ay mahalagang bahagi ito para sa paglaban sa kinatatakutang sakit na virus.., kung saan, ang unang lugar na pinagmulan sa hawaan ng COVID-19 ay sa isang mosque sa kanilang lungsod.
“Although I would have loved to be there to witness this historic occasion, I was still very elated to witness on social media what I have long waited for. The rollout of the vaccination program against COVID-19 in San Juan City, where the first local transmission of the virus was reported, shows that the country is now actively fighting the pandemic,” pahayag ni MAYOR ZAMORA na mula pa nitong March 1 ay na-quarantine na sa nasabing ospital.
Sa ginanap na vaccination program ay unang nagpaturok ng SINOVAC si SAN JUAN MEDICAL CENTER DIRECTOR RET. GEN. JOSEPH ACOSTA na ang nagturok sa kaniya ay si SAN JUAN CITY HEALTH OFFICER DRA. ROSALLE STO. DOMINGO.
“Mayor Francis Zamora made sure that we get only safe and effective vaccines here in San Juan. All the vaccines we will be using in the vaccination program have been thoroughly studied, approved by the FDA, and effective in protecting us from the deadly COVID-19,” pahayag ni DRA. STO. DOMINGO.
May kabuuang 138 medical workers mula sa SJMC ang nagboluntaryong magpabakuna na 87 sa mga ito ang nakapagpabakuna nitong Sabado.
“Exactly a year ago, the first local COVID-19 transmission was detected in San Juan City, a patient from outside Metro Manila was confined in Cardinal Santos Medical Center. It was on March 6, 2020 that the DOH personally went to Mayor Zamora and informed him of the first local transmission in the country which was recorded in San Juan City. Exactly a year later, our City begins vaccinating its medical frontliners,” pahayag naman ni VICE MAYOR VILLA sa inilunsad na programa.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Laban sa Covid-19 pinaigting sa QC appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: