Facebook

5 huli sa drug den sa Pampanga

Sinalakay ang isang drug den ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa bayan ng Porac, Pampanga Biyernes ng gabi.
Ayon sa PDEA Region 3, isang tip mula sa isang concerned citizen ang nagturo sa naturang drug den sa isang village sa Brgy. Sta. Cruz.
Arestado ang 5 suspek na nakuhanan ng humigit-kumulang 20 gramo ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P136,000.
Inihahanda na ang kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa mga nahuli.

The post 5 huli sa drug den sa Pampanga appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
5 huli sa drug den sa Pampanga 5 huli sa drug den sa Pampanga Reviewed by misfitgympal on Marso 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.