Facebook

P460K DRIED SEAHORSE NASABAT SA BACOLOD

Nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa joint law enforcement operation ang tinatayang P460,000 halaga ng dried seahorse sa Banago Port sa Bacolod City nitong Marso 26.
Ayon sa PCG, ang illegal na pakete ay patungong Iloilo City at nadiskubre sa pre-departure inspection sa mga pasahero sa isang Roro vessel na MV Fast Cat M3.
Katuwang ng PCG ang Philippine National Police – Maritime Group sa operasyon nang madiskubre ang shipment na idineklarang “dried fish” sa ‘bill of lading’ ng isang Renante Panaquiton na siyang nagpadala sa hindi kilalang consignee sa Iloilo City.
Isinagawa naman ang imbentaryo sa nasabat na shipment nang dumating sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Dito natuklasan na naglalaman ang pakete ng mahigit labing limang kilo ng iba’t-ibang size ng dried seahorse na umaabot sa nasabing halaga.
Itinurn over ang nasabat na illegal parcel sa BFAR para sa kaukulang pagsisiyata at tamang disposisyon.
Ayon sa PCG, ang pangongoklta o pagbebenta ng deahorse ay ipinagbabawal sa ilalim ng RA no.8550 o “The Philippine Fisheries Code of 1998”. (Jocelyn Domenden)

The post P460K DRIED SEAHORSE NASABAT SA BACOLOD appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P460K DRIED SEAHORSE NASABAT SA BACOLOD P460K DRIED SEAHORSE NASABAT SA BACOLOD Reviewed by misfitgympal on Marso 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.