
Arestado sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ang dalawang kalalakihan na nagbebenta ng mga pekeng COVID-19 swab test result sa Quiapo, Maynila.
Kinilala ni SMaRT Chief P/Lt.Col. Rosalino Ibay Jr. ang mga naaresto na sina Mark Paclian y Boydon, 37, may-asawa; at Bryan Dizon y Rodriguez, 19, binata, kapwa walang trabaho at nakatira sa 929 Hidalgo Street, Quiapo, Manila.
Sa ulat, dumulog sa tanggapan ng SMaRT ang isang impormante at ipinagbigay alam ang iligal na gawain ng isang alyas “Mark” kung saan gumagawa at nagbebenta ito ng pekeng Covid-19 swab test result sa Hidalgo St., Quiapo.
Agad na inatasan ni Lt.Col. Ibay ang kanyang mga tauhan sa pamumuno ni P/Maj. Jake Arcilla at nagsagawa ng entrapment operation na nagresulta sa pagkaka-aresto ng mga suspek.
Narekober sa nasabing lugar ang mga ebidensiya na nagpapatunay na gumagawa ng mga pekeng dokumento ang mga suspek tulad ng pekeng swab result, computer set, at isang cell phone.
Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Revised Penal Code Article 172 (Falsification by Private Individuals and Use of Falsified Documents), Article 176 (Manufacturing and possession of instruments or implements for falsification) at R.A. 11332 Section 9 para D (Non-cooperation of persons and entities that should report and/or respond to notifiable diseases or health events of public concern).
Ayon naman kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, malaking sindikato umano ang kinabibilangan ng mga naarestong suspek. Aniya, titiyakin nito na tutuldukan nila ang iligal na gawain ng mga ito.(Jocelyn Domenden/Andi Garcia)
The post 2 nagbebenta pekeng COVID-19 swab test result timbog sa Maynila appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: