
Nadagdagan na ng mga bakuna para sa Covid-19 ang Lungsod ng Maynila na 7,890 doses ng AstraZeneca vaccines at 1,400 doses ng Sinovac vaccines ang naihatid sa Ospital ng Maynila Medical Center at sa Sta. Ana Hospital.
Bunsod sa paglobo ng kaso ng Covid-19 at sa bagsik ng variants sa naturang lungsod ay nagpaalala si Manila Mayor Isko Moreno na ang mga Manileño ay magparehistro sa pagpapabakuna dahil ang mga nakapagparehistro ang agad na isusunod matapos mabakunahan ang frontline workers.
Ang Maynila ay mayroong 2.4 milyong-kataong residente na ninanais ng naturang alkalde ang mabakunahan ang kalahati sa kanilang population o katumbas ng 1.1 milyong-tao upang maabot ang tinatawag na herd immunity at nakahanda umano ang kanilang Pamahalaang-Lungsod na ipagpaliban muna ang ibang mga proyekto tulad ng road repairs.
“Nais ko pong ibahagi sa inyo na umabot na sa 120,061 na mga Batang Maynila ang nakapag pre-register na sa https://ift.tt/381GLQX as of today, March 26, 8:55 pm!
(Link Source: https://ift.tt/3rmtZCY; mensahe ni Mayor Isko mula sa kaniyang Facebook page
Sa kanyang mga anunsiyo, ang maagang pagpaparehistro ng mga tao para sa libreng COVID-19 vaccines ay makakatulong sa maayos na pag-disseminate nito. Ang lokal na inisyatibo ng lungsod ay may kasamang immunization cards para sa mga residente.
Para magpre-register sa vaccination portal, bisitahin lamang ang https://ift.tt/3nQ5c8v kung saan ibibigay ng residente ang ilang detalye tulad ng pangalan, birthday, mobile number, at home address.
Kasama sa pre-register ang pag-declare ng medical history at kung sila ay nagka COVID-19 na dati. Para naman sa real-time updates ng COVID-19 news sa Maynila, maaring i-like at i-follow ang Facebook account ni Mayor Isko Moreno.https://ift.tt/3w1B5Al.
The post 1.1M Manileño target mapabakunahan ni Mayor Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: