Facebook

Bong Go: ‘Di nagagamit na pondo, ipamigay bilang dagdag na ayuda

IGINIIT ni Senator Christopher “Bong” Go sa lahat ng concerned government agencies i-maximize ang mga hindi nagagamit na pondo bilang karagdagang ayuda lalo’t marami tayong kababayang nakararanas ng gutom dahil sa patuloy na quarantine restrictions sa gitna ng pandemya.

“Nakausap ko po kahapon si Secretary (Carlos) Dominguez. Hindi ko po tinitigilan pati si Secretary (Wendel) Avisado, sabi ko maghanap kayo ng pagkukunan, kung maaari walisin n’yo kung ano ang pwedeng walisin,” ayon kay Go sa panayam sa radyo.

Idiniin ni Go na ang biyaya ng karagdagang ayuda ay dapat palawakin sa vulnerable sectors, lalo sa mga nawalan ng trabaho.

Ipinatitiyak din ng senador na ang ayuda ay iprayoridad sa mga naapektuihan ng mas estriktong quarantine restrictions sa “NCR plus” areas.

“‘Yung mga hindi nagagamit na pondo ay gamitin n’yo na lang po sa mga kababayan nating naghihirap. Kinukulong natin sila para hindi magkahawahan, halos kalahati lang nakakapagtrabaho at maraming nawalan ng kabuhayan,” ani Go.

“Dapat mabigyan ng ayuda ‘yung mga mahihirap talaga na nasa NCR plus na mga lugar kung saan mas istrikto ang mga patakaran dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit doon,” anang mambabatas.

Ipinaalala ng senador na iwasan na concerned agencies ang mga mga naging masamang karanasan sa unang pamamahagi ng social amelioration noong nakaraang taon.

“Ang pagbibigay ng SAP ay nagkaroon ng reklamo sa first round. Ilang porsyento lang sa isang munisipyo ang nakakatanggap.”

“Dapat ngayon perpekto n’yo na po ‘yan. I-combine n’yo na po mga nakatanggap sa listahan na una at binalikan n’yo (noong second round). Importante, wala pong ma-miss out at hindi makatanggap para walang reklamo. Para lahat ng nagugutom ay matulungan,” dagdag ni Go.

Umaasa si Go na magagawa ngayon nang maayos ng Department of Social Welfare and Development ang kanilang trabaho sa pamamahagi ng ayuda.

“Alam n’yo sa ayuda na ‘yan, alam na po ng DSWD ang kanilang trabaho. Wala na akong nakikitang rason na magkakandarapa sila sa distribusyon.”

“Wala pong pulitika dito, ‘wag n’yo haluan ng pulitika, marami na po nasususpinde na mga kapitan na nagsasamantala,” aniya.

Siniguro ni Go na hindi siya titigil sa pagtutulak ng karagdagang ayuda upang matugunan ang kagutuman.

“‘Wag kayo mag-alala, ‘di ako titigil sa kakakulit. Si Pangulong Duterte, concerned po sya, ayaw niya may magutom bagama’t bumaba na ang hunger (rate) ngayon at unemployment base po sa data.”

“Hindi po ito sapat, ‘di tayo makukuntento dito, nagkaroon tayo quarantine measure, marami po ang nawalan ng kabuhayan, pati mga OFWs nawalan ng trabaho, kaya dapat patuloy ang ating pagtulong sa mga tao,” ayon kay Go. (PFT Team)

The post Bong Go: ‘Di nagagamit na pondo, ipamigay bilang dagdag na ayuda appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: ‘Di nagagamit na pondo, ipamigay bilang dagdag na ayuda Bong Go: ‘Di nagagamit na pondo, ipamigay bilang dagdag na ayuda Reviewed by misfitgympal on Marso 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.