MAGSASAGAWA at mag-aalay ang Santo Papa ng misa ngayong Linggo (March 14, 2021) sa St. Peter Square sa Roma upang pangunahan ang Filipino Community doon para sa paggugunita ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa.
“Quincentennial Celebration of Christianity in the Philippines” ang tawag dito. At ganoon na nga katagal na karamihan sa mga Filipino ay sagrado katoliko, kaya nararapat lamang na ipagdiwang ang ika-500 anbersaryo nito.
Ang pagiging katoliko ang nagpapatatag sa atin upang magpatuloy sa buhay kahit hirap, kahit pagod at kahit na anong pag-subok ang dumating, panalangin at pananampalataya sa Diyos ang ating tanging hinahawakan at dala-dala sa pakikibaka sa buhay.
Inaasahan na ipapanalangin ni Pope Francis ang kalagayan ng bawat Filipino sa misang ito, na ganap na alas-diyes ng umaga (10:am) sa Roma at alas-singko naman ng hapon (5:pm) dito sa atin. Nasa Roma man o ibang bansa, at lahat ng nandirito sa Pilipinas na mas lalong nahihirapan bunga ng pandemya nang dahil sa COVID-19 ang makakatanggap ng panalangin mula sa itinuturing na pinaka-banal na katoliko sa buong mundo.
Makakasama ng Santo Papa sa misa ang tanyag na Filipinong hinirang niya mismong Cardinal Luis Antonio Tagle upang ipadama sa atin na malapit sa kanyang puso ang mga Filipino. Ito ay inatunayan na rin ni Pope Francis nang siya ay magdesisyong bisitahin ang ating bansa noong 2015 at mag-alay ng isang misa sa wikang Filipino sa Simbang Gabi ng taong 2019.
Dito naman sa atin, sa pahayag ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) halos lahat ng diocese at mga simbahan ay naghahanda na sa malakng pagdiriwang at sisimulan ang buong taon ng paggunita ng 500 taon ng kristiyanismo sa bansa sa April 4, 2021 sakto sa araw ng Easter Sunday.
Isa rin sa mahalagang kaganapan ang pagpayag ng Santo Papa sa kahilingan ng Archdiocese ng Cebu na magdeklara ng “special jubilee year” sa aggunita ng ika-500 anibersaryo ng kristiyanismo sa bansa. Ito ay dahil na rin na sa Mactan, Cebu unang lumapag ang Kristiyanismosa Pilipinas.
Ang pagdedeklara ng jubilee year, sa paliwanag ni Cebu Archbishop Jose Palma, ay pagbabasbas ng Santo Papa sa papamagitan ng lahat ng kaparian sa bansa, sa lahat ng mananampalataya na patawarin sa kanilang mga nagawang kamalian at kasalanan kahit ganun matagal na silang pinatawad ng Panginoon sa pamamagitan ni Hesuskristo.
Ang isang taon na jubilee year ay tatagal nang hanggang April 22, 2022, kung saan ang lahat ng Filipinong katoliko ay inaasahan susunod sa lahat ng ipag-uutos ng simbahan, partikular na ang paggawa ng mabuti sa kapwa upang tamasain ang biyayang dulot ng ika-500 anibersaryo ng kristiyanismo sa bansa.
Sa taon din ito makikita natin ang lahat ng Filipinong katoliko ay magpapakita ng ugaling dala-dala at tatak ng isang tunay na sagrado katoliko sa kanyang pakikitungo sa kapwa niya Filipino. Mabuhay ang katolikonismo sa bansa!
The post 500 taon na anibersaryo ng Kristiyanismo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: