NASA bansa na ang bakuna “Coronavac” na gawa ng Sinovac. Donasyon ito ng gobyernong Tsina. Dumating ang bakuna dalawang linggo bago ang ika-unang taon ng pagdeklara ng pamahalaan ‘Pinas ang lockdown sa bansa.
Marso 15, 2020 nang ilagay sa enhanced community quarantine COVID na sinasabing originated sa bansang Tsina noong Disyembre 2019.
Ano pa man, nang umatake ang virus hindi lang sa buong bansa kung hindi sa buong mundo, ang lahat ay nananalangin na sana’y matapos na ang pandemya at nawa’y gabayan ng Panginoong Diyos ang mga dalubhasa ng medisina na makagawa na ng bakuna laban sa COVID 19.
Salamat sa Diyos, may bakuna na at narito na rin sa bansa bagamat marami ang nag-aalinlangan nang sabihing “mahinang” klase ang CoronaVac dahil sa 52% lang ang effectivity nito at hindi puwede sa health workers at senior citizens. Hindi raw ubra sa medical health frontliners dahil ang kailangan para sa kanila ay ang mas mataas na klase ng bakuna.
Pero ano pa man ay maari pa rin ito sa medical frontliners – naproprotekstahan pa rin sila kahit na paano.
Bago dumating sa bansa ang bakuna, gumawa ng kalakaran ang gobyerno – sa kung sino ang mga mauunang turukan ng bakuna. Nangunguna ang medical frontliners natin – doktor, narse, at tha likes na mga nag-aasikaso sa mga pasyente sa iba’t ibang pagamutan.
Nang dumating ang bakuna, kahit na sinasabing mahinang klase ito para sa medical frontliners, marami pa rin ang mga doktor natin o mga nagtatrabaho sa ospital ang nagpaturok ng Coronavac. Yes, sa kabila ng makontrobersyal na kritisimo laban sa bakuna.
Nang marami nang nagpaturok, marami na ring gusto nito at medyo naisantabi na ang isyu laban sa coronaVac. ‘Ika nga, nandyan na iyan (bakuna) bakit hindi pa tayo magpaturok. Malaking opotunidad na ito. Pero klaruhin natin ha, mga medical practicing health workers muna ang mauuna daw maging ang mga nagtatrabaho sa ospital – mga empleyado.
Malapit kasi ang COVID sa kanilang lahat kaya, kinakailangan sila muna ang priority…saka na lang muna ang masa.
Pero sinasabi nga, kapag duamting talaga ang panahon ang lahat ay…siyempre ang nais ay makaligtas laban sa COVID 19. Gustong maturukan na ng vaccine pero sa ngayon ay hindi nga ubra dahil may sinusunod na kalakaran. Mauna muna ang medical frontliners natin.
Nagsimula na nga last week ang pagtuturok. May sinusundan na schedule kung sino ang dapat unahin na maturukan ng bakuna. Hindi iyan lingid sa kaalaman ng publiko lalo na ang mga lider ng bansa, mula Palasyo hanggang Kongreso o barangay sectors. Ang mga mambabatas ay pampito sa order of priority bilang government workers pero hindi sila ang pinakauna, pwera na lamang kung sila ay senior citizen o persons with comorbidities.
Uli sa listahan, ang mga health/medical frontliners ang maunang tuturukan ayon sa listahan na binuo ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG). Ito ang grupo ng mga health experts na kinokonsulta ng IATF o Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.
Nasunod naman ang lahat nitong nakaraang linggo hanggang ngayon pero, ano itong napaulat na si Cong. Helen Tan ay nagpabakuna na. Ha! Ba’t nagkaganoon. Hindi ba pampito ang mga mambabatas? Well, nagpaturok siya dahil daw sa kasama siya bilang miyembro ng immediate family ng kanyang anak na doctor na nagtatrabaho sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
Pero teka, hindi ba doktor din si madam Helen? So, pwede nga siyang maturukan – sana, Iyong nga lang ay hindi daw siya medical frontliner worker pero doktor si Madame. Tulad nga ng wika ni Cong. Tan na nagpabakuna daw siya hindi bilang isang mambabatas kung hindi bilang isang frontliner – doktor siya e. Oo nga’t doktor si madame pero bilang mambabatas naman sana — since mayroon naman sinusunod na kalakaran sa sino ang mga nauuna, sumunod naman tayo. Teka doktor nga siya kaya isa sa pinakaunang may proyoridad. Ang kulit niya ha!
Ano pa man, ipinag-utos na rin ang isang imbestigasyon sa sinasabing paglabag ni Cong Helen sa kalakaran dahil sa wala pa ngang direktiba na maaari nang turukan ng bakuna ang dependents ng healthcare workers. Paano iyan madame, wala pa palang kautusan daw para sa dependents? Ang kulit niyo naman, doktor nga si Cong. Helen kaya “frontliner” siya. Hindi rin naman daw siya nagpa-VIP kung hindi, kinuha niya ang dose bilang isang doktor. Ha…ha…ha…
Ang tanong, saan naman kaya abutin ang imbestigasyon? May mangyayari ba? E sino ang mag-iimbestiga, ang mga kapwa niyang mambabatas?
Pero teka, si Madame Tan lang ba ang among the leaders ang nagpaturok na o sinasabing lumabag sa priority list? Paano iyong mga alkalde, chairman ng MMDA, at iba pa? Mga doktor din ba sila? Basta, malinaw ang kautusan na may sinusunod na listahan. Let’s wait for our turn ‘ika nga. Sino ba ang ayaw na mauna ng pagpapatuork ng bakuna lalo na kapag libre? Lahat may gusto pero, let us wait for our turn. darating din naman iyan!
The post Let’s wait for our turn… appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: