ISINAILALIM na sa lockdown ang Meisic Police Station simula alas-5:00 nitong Lunes ng hapon.
Umabot na sa 56 pulis ang nagpositibo sa Covid-19.
Nabatid na sumalang sa swab test ang 45 pulis nitong nakaraang Marso 11 kung saan nagpositibo ang 17, na karamihan ay assymptoma-tic, 1 ang may mild symptoms at 2 ang may severe symptoms na kasalukuyang naka-admit sa pagamutan.
Kaagad na nagsagawa ng disinfection sa Meisic Police Station at sa mga sakop na Police Community Precint (PCP)
Ang mga nagpositibong pulis, dinala na sa quarantine facility upang hindi na makahawa pa.
Samantala, ayon kay MPD Chief Leo Francisco, mula Marso 3-14, umabot na sa 46 ang bilang ng mga pulis sa Station 11 na tinamaan ng Covid. Karamihan sa mga ito ay magaling na at nakumpleto ang quarantine period.
Sa ngayon ay hinihintay pa na lumabas ang resulta ng swab test ng iba pang pulis.
Pinayuhan din ni Francisco ang mga pulis na bagamat abala sila sa pagpapatupad ng mga health protocols ay huwag pabayaan ang kalusugan at doblehin ang pag-iingat.
Suspendido rin ang iba pang transaksyon sa nasabing istasyon ng pulisya.
(Jonah Mallari/Jocelyn Domenden/Andi Garcia)
The post 56 PULIS NG MPD-PS11 COVID POSITIVE! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: