BABAWIIN ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang pribilehiyo na makapagtinda sa mga pampublikong pamilihan ang mga manininda ‘pag tumanggi itong sumailalim sa libreng RT-PCR swab testing.
Ito ang babala ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa vendors sa 17 pampublikong pamilihan sa lungsod dahil sila ang madalas na makahalubilo ng publiko sa araw-araw.
Inatasan ni Domagoso si Market Administrator Zenaida Mapoy na siguruhin na magpapasuri at magpabakuna ang lahat ng vendors sa mga pampublikong palengke sa lungsod. Giit ng alkalde, libre ang swab test kaya’t walang dahilan para ‘di sila sumailalim dito.
(Jocelyn Domenden)
The post Mandatory swab test sa vendors sa Maynila appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Mandatory swab test sa vendors sa Maynila
Reviewed by misfitgympal
on
Marso 15, 2021
Rating:
Walang komento: