NASABAT ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang P20.4 million halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation sa Barangay Walled City, Jolo, Sulu nitong Lunes.
Sa ulat kay PRO Bangsamoro Autonomous Region Regional Director Brigadier General Samuel Rodriguez, kinilala ang nadakip na si Ejek Ali Abduhakim, 44 anyos, ng Barangay Bas-Nonok, Lugus, Sulu.
Nakumpiska kay Abduhakim ang isang paper bag na may lamang humigit kumulang tatlong kilo ng shabu.
Katuwang ng mga pulis sa buy-bust operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Mahigit P1.7 milyong halaga ng shabu naman ang nasamsam sa tatlong tao sa operasyon kontra droga sa Nueva Ecija nitong Sabado.
Arestado ang 66-anyos na si “Lola Cel” kasama sina alyas “Tess”, 49; at alyas “Paleng”, 38. Nakuha mula sa kanila ang 53 sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P1,701,564.
Samantala, nasa P6.8 milyon halaga ng shabu ang nakuha sa buy-bust operation sa Pantar, Lanao del Norte Linggo ng umaga, kungsaan naaresto ang 2 tao.
Nagsanib-puwersa ang PDEA-Northern Mindanao, National Bureau of Investigation, at mga pulis sa operasyon sa Barangay Kalanagan.
Sa report, isang 21-anyos na babaeng estudyante at isang lalaki ang nadakip na pinaghihinalaang internally-displaced person dahil sa Marawi siege.
Ayon sa ulat, kilalang perso-nalidad sa pagbebenta ng droga sa lugar ang mga nadakip.
Anim ang naaresto sa operasyon ng PDEA sa Barangay Hinaplonan, Iligan City.
Nakuha sa operasyon ang 10 gramo ng shabu na nagkakaha-laga ng P68,000.
The post Shabu pa more! P20.4m huli sa Sulu; P1.7m sa Nueva Ecija; P6.8m sa Lanao del Norte appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: