Facebook

Killer ni Konsehal Melodia timbog

NADAKIP ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pangunahin salarin sa pagpatay kay Councilor Rude Anthony Melodia sa operasyon sa Sta. Catalina, Negros Oriental.
Kinilala ang naaresto na si Maximo Eligan Acabal alyas “Long-long”, 53 anyos, ng Purok 3, Barangay Manalongon, Sta. Catalina.
Ayon kay Major General Alnert Ignatius D. Ferro, direktor ng CIDG, 3:25 ng hapon nang magsagawa ng ope-rasyon ang pinagsanib na mga elemento ng CIDG Negros Oriental, 1st Provincial Mobile Force Company at Sta Catalina Police sa Purok 3, Brgy. Manalongon.
Isinagawa ang operasyon base sa warrant of arrest sa kasong attempted murder na ipinalabas ni Judge Maria Myla Rae Santos Orden ng RTC Branch 63, Bayawan City, Negros Oriental.
Sa report, si Acabal ang number 1 Municipal Level Most Wanted Person sa Sta Catalina at pangunahin salarin sa pagbaril kay Councilor Melodia noong Jan. 10, 2021.
Binaril si Melodia, 29, ng tatlong lalaki na sakay sa 2 motorsiklo habang naglilinis ng kanyang sasakyan sa kahabaan ng national highway sa Town Center ng Sta. Catalina.
Binawian ng buhay si Melodia habang nilalapatan ng lunas sa Bayawan District Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.
Inaalam pa ang pagkaka-kilanlan ng iba pang salarin at motibo sa pagpatay kay Melodia. (Mark Obleada)

The post Killer ni Konsehal Melodia timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Killer ni Konsehal Melodia timbog Killer ni Konsehal Melodia timbog Reviewed by misfitgympal on Marso 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.