Facebook

Nangholdap ng pulis gamit pekeng baril

ARESTADO ang isang lalaki na naaktuhan nangholdap ng pulis sa Pateros.
Kinilala ang dinakip na si Jose Ian Gonzales, residente ng Antipolo City.
Ayon kay Colonel Ramchirsen Haveria Jr., hepe ng Pateros Police, kasama ang hinoldap na pulis sa mga miyembro ng station intelligence branch na nagsagawa ng surveillance operation at foot monitoring sa Barangay Sto. Rosario-Kanluran noong Biyernes.
Nagkasa ng surveillance at monitoring sa lugar ang pulisya dahil sa serye ng holdapan sa lugar.
Biglang dumating si Gonzales sakay ng motorsiklo at nanutok ng baril sa pulis.
Tumakas si Gonzales nang mapansing pulis pala ang kaniyang hinoholdap pero agad din siyang nahuli.
Nakuha kay Gonzales ang isang replica ng baril at 5 sachets ng shabu.
Nahaharap si Gonzales sa kasong robbery, use of imitation firearm at possession of illegal drugs.

The post Nangholdap ng pulis gamit pekeng baril appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nangholdap ng pulis gamit pekeng baril Nangholdap ng pulis gamit pekeng baril Reviewed by misfitgympal on Marso 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.