Facebook

Engkuwentro sa tapat ng spa na-huli cam: 1 patay

NAKUHANAN ng CCTV footage ang shootout sa tapat ng isang spa sa San Pablo City, Laguna.
Sa kuha ng CCTV, may dalawang lalaking nakatayo sa tabi ng isang sasakyan. Maya-maya pa ay gumalaw ang mga ito at nagpaputok ng baril.
Kinilala ang isa sa mga nagpaputok na si Police Staff Sergeant Edgar Malabuyoc.
Ayon kay Malabuyoc, may bumaril sa kanila kaya’t gumanti sila ng putok.
Tinamaan ang kanyang kaibigan na si Ricardo Caravela at itinakbo sa ospital, ngunit dead on arrival ito.
Sugatan naman ang driver na si Rommel Viterbo.
Nakatakas ang salarin sakay ng motorsiklo.
Samantala, sa Calamba City, nakatambay lang sa labas ng barangay hall ang isang lalaking kinilalang si Mark Jovit Homo nang lapitan ito ng isang lalaking naka-helmet at binaril ng malapitan.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo sa krimen. Isa sa mga tinitingnan na anggulo ang pagkakasangkot ng biktima sa iligal na droga.

The post Engkuwentro sa tapat ng spa na-huli cam: 1 patay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Engkuwentro sa tapat ng spa na-huli cam: 1 patay Engkuwentro sa tapat ng spa na-huli cam: 1 patay Reviewed by misfitgympal on Marso 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.