Facebook

Lalaki huli sa motornap at pananaksak ng 2 tanod

ARESTADO ang isang lalaki nang magnakaw ng motorsiklo at saksakin ang 2 tanod ng barangay na huhuli sa kanya.
Ayon sa may-ari ng motorsiklo, nakaparada ang behikulo niya sa kanto ng Nakar at Diamante Streets sa San Andres Bukid nang lapitan at paandarin ito ng naturang lalaki.
Bago pa makaalis ang lalaki, naharang siya ng biktima kaya natumba ang motorsiklo.
Nang tangkaing tumakas ng lalaki, hinarang siya ng 2 barangay tanod, na kaniya namang sinaksak sa dibdib at likod.
Nahuli ang magnanakaw nang dumating ang mga pulis.
Mahaharap sa mga kasong resisting arrest, direct assault, frustrated homicide at carnapping ang magnanakaw, na miyembro ng ‘Bahala Na Gang’.

The post Lalaki huli sa motornap at pananaksak ng 2 tanod appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lalaki huli sa motornap at pananaksak ng 2 tanod Lalaki huli sa motornap at pananaksak ng 2 tanod Reviewed by misfitgympal on Marso 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.