Facebook

Pulis patay nang sumemplang ang motor

PATAY ang isang pulis nang maaksidente habang sakay ng motorsiklo sa bayan ng Maayon, Capiz, Sabado ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Police Executive Master Sergeant Andeny Bornales na nadisgrasya sa may Barangay Indayagan.
Ayon sa ulat, walang early warning device ang madilim na bahagi ng ginagawang kalsada sa lugar. At nang mapadaan ang pulis dito ay biglang nawalan ito ng kontrol sa motorsiklo at sumemplang.
Dinala si Bornales sa Bailan District Hospital pero idineklara ring dead on arrival.
Hindi pa tiyak kung kakasuhan ng pamilya ni Bornales ang contractor ng ginagawang kalsada.

The post Pulis patay nang sumemplang ang motor appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pulis patay nang sumemplang ang motor Pulis patay nang sumemplang ang motor Reviewed by misfitgympal on Marso 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.