INANUNSYO ni Pasig City Mayor Vico Sotto na sasailalim siya sa quarantine nang mamatay dahil sa COVID 19 ang kanyang personal driver.
Kinilala ang driver na si ‘Kuya Vener.’
Sa report, hindi na nabanggit ni Sotto kung kailan sumakabilang buhay ang kanyang tauhan.
Sa pamamagitan ng Facebook Live, sinabi ni Sotto na naging close-contact siya ng namayapang driver.
Pero giit niya, sumusunod siya sa health protocols.
Sabi pa nito, walang dapat ikabahala sa kanya dahil maayos ang kanyang pakiramdam at wala siyang mga sintomas.
The post Mayor Vico nag-quarantine nang mamatay ang driver sa COVID 19 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Mayor Vico nag-quarantine nang mamatay ang driver sa COVID 19
Reviewed by misfitgympal
on
Marso 15, 2021
Rating:
Walang komento: