ISANG taon na pala ngayong naka-lockdown ang Pi-lipinas dahil sa pandemya ng coronavirus 2019 (Covid-19)
Ang Pilipinas lang ang nagkaroon ng ganito kahabang lockdown sa buong mundo. Kaya lugmok ngayon ang ekonomiya ng bansa, baon sa halos P10 trilyon nang utang. At patuloy pang nangungutang…
Bagama’t medyo niluwagan na ang quarantine, nagdagdag ng kapasidad sa mga pampublikong transportasyon, malls, at binuksan narin ang lokal na turismo, pero marami paring negosyo o establishments ang sarado tulad ng mga restobar, sinehan, at limitado ang infrastructures kaya’t higit 4 milyon ang jobless o tambay. Gutom!
Tapos nanganganib uli na higpitan ang quarantine, posibleng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ). Ibig sabihin nito ay limitado lang ang mga lalabas ng kanilang tahanan, bawasan uli ang kapasidad sa public transport, sarado uli ang malls, at tigil na naman ang infras.
Pag binawasan ang kapasidad sa public transpos, walang bumibiyahe dahil malulugi lang ang driver/operator.
Sabi ng economic managers, kapag bumalik sa lockdown ang Pilipinas, hindi na makakabangon ang ekonomiya ng bansa. Lalong magugutom ang mahihirap dahil wala nang mailalabas na pang-ayuda ang gobyerno.
Kaya ang mungkahi ng grupo ng mga duktor, kesa mag-lockdown uli, higpitan nalang ang pagpatupad ng health protocols tulad ng pagsuot ng facemask, shield, at social distancing. Mismo!
***
Ang Pilipinas nalang ang bansang hindi pa nakapagsasagawa ng mass vaccination kontra Covid-19. Ang mga karatig bansa sa Southeast Asia ay halos nasa kalahati na ng kanilang mamamayan ang nababakunahan. At ang ma-yayamang nasyon ay halos patapos na sa vaccinations. Maging ang poorest country na Bangladesh ay halos kalahati na ng kanilang populasyon ang naturukan.
Ang Pilipinas ay nagkaroon pa lamang ng halos 1 mil-yon bakunang DONASYON mula sa China, ang Sinovac; at World Health Organization (WHO), ang AstraZeneca.
Sa almost 1 milyong bakuna na ito, kulang 500,000 lang ang mababakunahan dahil 2 sessions ang pagbakuna sa bawat naturukan.
Ang mga nababakunahan palang ay healthcare workers. Tapos napakabagal pa ng vaccination program. Ewan!
Nagtataka naman ang mga mambabatas natin kung ba-kit sa kabila ng napakalaki na ng inutang ng gobyerno para pambili ng bakuna ay wala paring nabibili, puros donasyon palang ang dumating.
Ang sabi ni Pangulong Rody Duterte, naubusan ng stock ang vaccine manufacturers dahil pinakyaw ng ma-yayamang bansa. Eh bakit ang mahirap na bansang Bangladesh nakabili ng milyon milyong doses ng bakuna?
Ibig bang sabihin mas mahusay makipag-usap ang gob-yerno ng Bangladesh kesa Pilipinas? O sadyang marami lang kurakot sa ating mga opisyal kaya hirap makipagkasundo sa vaccine makers dahil gustong makakuha ng kickback?
Ang malupit pa, sa halip na tutukan ng gobyerno ang pagbili ng bakuna ay pamumulitika na ang ginagawa para sa nalalapit na halalan.
Tapos pilit dina-divert ang isyu sa pagpatay sa mga komunistang NPA at mga kalaban sa politika. Potah!!!
Pag nadugtungan pa sa 2022 ng ganitong uri ng pa-mamahala, tuluyan nang dadapa ang Pilipinas. Mismo!
The post 1 year lockdown na ang Pinas, longest! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: