MULING nakapagtala ng mataas na bilang ng bagong kaso ang Department of Health(DOH) ngayong araw, Marso 15.
Batay sa case bulletin no. 366 ng DOH, pumalo sa 5,404 ang bagong kasong naitala ngayong araw dahilan para maging 626,893 na ang kabuuang kaso ng COVID-19.
Samantala ay mayroon namang naitalang 71 na gumaling at 8 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.5 % (53,479) ang aktibong kaso, 89.4% (560,577) na ang gumaling, at 2.05% (12,837) ang namatay.
Muli ring nagpaalala ang DOH na sa pagkakaroon ng mga variants sa bansa at mutations, huwag pa ring magpakampante bagama’t may bakuna na kontra COVID-19 dahil maari pa ring mahawaan ng sakit at maisalin naman sa iba pang miyembro ng pamilya o komunidad. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid update: 71 gumaling; 8 nasawi; 5,404 bagong kaso appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: