DAHIL sa muling paglobo ng bilang ng nahahawahan n COVID-19 sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go sa pamahalaan na estriktong ipatupad ang mga kinakailangang health at safety protocols, partikular sa mga pampublikong lugar.
Kasabay nito’y nanawagan siya sa taongbayan ng kooperasyon at patuloy na pagbabantay upang mapigil ang pagkalat ng virus.
“I urge concerned agencies to strictly enforce necessary health and safety protocols, especially in public places,” sabi ni Go.
“Let us continue to work together and not waste the sacrifices we have done the past year in trying to control the spread of COVID-19. Let us support the National Vaccine Roadmap so we can all return to normalcy the soonest possible time,” dagdag niya.
Upang mahigpit na maipatupad ang health protocols, sinabi ni Go na dapat ituloy ng gobyerno ang pamamahagi ng libreng masks sa mga lugar na madalas puntahan ng maraming tao.
Iginiit din niya sa concerned agencies na paigtingin ang information campaign sa sitwasyon ng pandemya sa bansa.
“Let’s be more proactive in implementing a stricter mask wearing policy. Kung walang mask ang tao, bigyan natin. Lalo na sa mga lugar na madalas puntahan at sa mga barangay,” ani Go.
“Paigtingin din natin ang ating information campaign laban sa pandemya upang alam ng mga Pilipino ang kanilang gagawin para makatulong sa pagtigil ng pagkalat ng virus,” anang senador.
Tiniyak naman ni Go sa publiko na patuloy ang pamahalan sa ginagawang pagbabakuna sa mga priority groups, partikular sa mahihirap at vulnerable sectors.
“Pagkatapos po ng mga frontliners, dadalhin po natin yang mga bakuna sa mga mahihirap na komunidad. Uunahin natin sila. Sa ngayon, bigyan po muna natin sila ng kailangang proteksyon tulad ng masks, face shields, at sapat na paalala sa mga patakaran na dapat sundin,” ayon sa mambabatas. (PFT Team)
The post Sa paglobo ng COVID-19: Health protocols, estriktong ipatupad — Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: