INANUNSYO ni Manila Mayor Isko Moreno na ang curfew ng mga minors na 18 pababa ay 8 p.m. to 5 a.m. at 10 p.m. to 5 a.m. ang mga matatanda.
Nagsimulang ipatupad ang curfew sa buong lungsod noong Lunes at magtatagal hanggang sa katapusan ng buwan ng Marso, bilang bahagi ng mga paraan ng pamahalaang lungsod na masugpo o di kaya ay mapigil ang pagkalat ng COVID-19 na biglaang tumaas sa lahat ng panig ng bansa.
Ayon kay Moreno ay inaasahan niya na ang mga opisyal ng barangay ay istriktong ipatutupad ang curfew kasabay ng kanyang panawagan sa mga taga-Maynila na mag practice ng self-discipline at sumunod sa minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks at face shields, paghuhugas ng kamay at social distancing.
Bilang ganti sa kooperasyon ng mga residente ng lungsod, sinabi ni Moreno na silang dalawa ni Vice Mayor Honey Lacuna ay patuloy na magiging mahusay at maingat sa paghawak ng kaban ng bayan.
Sumumpa si Moreno na silang dalawa ni Lacuna ay laging nasa tabi ng mga residente ng Maynila upang gumawa ng mga paraan upang makatulong sa gitna ng pagpapatuloy ng pandemya.
Muli ring ipinaalala ng alkalde na hindi siya magdadalawang isip na i-lockdown down ang buong lungsod kung kinakailangan upang maproteksyunan ang bawat mamamayan laban sa coronavirus.
“Kung magkakaroon ng kapabayaan at kailangan kong ihinto ang pag-inog ng Maynila, gagawin ko ito para sa kaligtasan ng bawat isa sa inyo. Posible kong i-shutdown ang Maynila… kung kinakailangan, gagawin ko di ako mangingimi,” giit ni Moreno.
Samantala ay umaasa si Moreno na ang resupply ng vaccines ay darating na sa Maynila sa mas maagang panahon, dahil nahinto ang pagbabakuna sa mga health frontliners sa lungsod may isang linggo na.
“Nganga ang bakuna anim na araw na. Wala pang bakuna at kung me darating, di pa rin ito pangkalahatan dahil frontliners mauuna. Maski me bakuna, let us continue practicing the basic health protocols dahil walang patunay na pag nabakunahan, di na mahahawa,” sabi ng alkalde.
Napagalaman din ni Moreno base sa mga impormasyong nakuha niya na wala ni isa man sa mga nabakunahang health frontliners sa nakalipas na dalawang linggo ang tinamaan ng sakit sa kabila ng muling pagtaas ng bilang ng kaso nito sa lungsod.
“Those who got infected ay di bakunado at ‘yumg bakunado these past two weeks, di nahawaan Namuhay sila ng dalawang linggo, magkakasama sa loob ng ospital so, ibig sabihin, it (vaccine) helps. It is not a guarantee but it helps,” dagdag pa ni Moreno. (ANDI GARCIA)
The post Curfew ng Minors na 18 Below 8pm-5am, Adult 10pm-5am – Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: