Facebook

Pagbubukas ng ekonomiya, tila imposible sa ganitong sitwasyon

TILA imposible at komplikado yata ang pagbubukas ng ekonomiya sa ganitong sitwasyong kinakaharap ng ating bansa.

Hindi yata angkop ang inanunsiyo ng Malacanang na kailangan na daw buksan ang ekonomiya sa lalong madaling panahon sa kabila ng banta ng covid19 sa ating mga kababayan.

Sa kasalukuyan ay padami ng padami ang mga kababayan nating nagkakaroon o kinakapitan ng virus sanhi umano ng hindi pag-sunod sa minimum health protocol.

Bukod pa dito ay hindi rin maiaalis ang bugso at volume ng mga taong nagsabay-sabay na lumabas ng lansangan.

Ito marahil ay sanhi rin ng pagluluwag ng quarantine at mga patakarang pinapasunod ng ating gobyerno na hindi mo rin namang pwedeng sisihin.

Kagaya nga ng ating nabanggit, kailangan na rin talagang buksan ang ekonomiya ng ating bansa para naman makabangon matapos ang isang taon sa pandemic dulot ng covid19.

Nguni’t sa pagtaas nga ng bilang ng mga tinamaan ng covid19, may mga bagong patakaran na naman pina-patupad ang ating gobyerno partikular na ang mga Local Government Unit(LGU).

Muli na naman itong naghigpit sa pagpapasunod ng mga alituntunin na tila yata taliwas sa pagbubukas ng ating ekonomiya.

Eh paanong susulong ang ating ekonomiya kung mayoridad na naman ng ating barangay ay sarado at naka-lockdown bunsod nga ng pagdami na naman ng biktima ng covid19.

Bukod pa dito ay binalik na naman ang unified curfew partikular na sa National Capital Region (NCR) mula 10pm-5am.

Napakarami na namang mga rekositos at mga papeles na hini-hingi at dapat ipakita sa mga awthoridad na alam naman nating napakalaking abala.

Natural na apektado rin ng curfew ang mga sasakyang pampubliko na dapat sakyan ng ating mga kababayan upang makarating sa kanilang pinagtra-trabahuhan, di po ba?

Iyan ang mga ilan sa rason kung bakit imposibleng magbukas ang ating ekonomiya kasabay na naman ng mga patakarang muling pinapatupad ng ating gobyerno.

Masyadong maraming komplikasyon sa dalawang panig na nais mangyari ng ating gobyerno kung kaya’t sumasakit na ang ulo ng ating mga kababayan kung ano ba talaga.

Isa-isa lang ang dapat ang implementasyon dahil mahina pa ang kalaban na maaari ring bumigay kapag di na nakayanan ang situwasyon.

BAGONG ENGKARGADO NG ALVAREZ POLICE DETACHMENT, INIIYAKAN NG MGA VENDOR

Iniiyakan o nag-iiyakan daw umano ang mga vendor na nasa-sakupan ng Alvarez police detachment sa Sta. Cruz, Manila.

Labis na ininda daw ng mga vendor na ito ang taas ng tarang hini-hingi sa kanila ng bagong engkargado ng nasabing detachment.

Kinilala nila ang bagman na si PO1 King Hernandez na kakaupo pa lang bilang engkargado ng Alvarez detachment.

Naging triple agad anila ang hinihinging tara nitong si Hernandez na labis daw nilang ininda at dinamdam.

Paano pa daw nilang mababahagian ang kanilang mga pamilyang umaasa rin sa kanila kung sa intelihensiya lang mapupunta ang kanilang kinikita.

Umaasa silang mauunawaan at mai-intindihan din sila ni Hernandez na ibang klaseng dikta at panggi-gipit daw ang ginawa sa kanila pagdating na pagdating nito.

Ang Alvarez police detachment ay nasa ilalim ng Manila Police District (MPD)-PS3 na pinamumunuan ni Lt. Col. John Guiagui samantalang isang Major Villanueva ang may hawak sa Alvarez detachment.

Bagman Hernandez, baka naman masira pa ang magandang pangalan na tinaguyod ni Col. Guiagui dahil sa mga kalokohan mo.

The post Pagbubukas ng ekonomiya, tila imposible sa ganitong sitwasyon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagbubukas ng ekonomiya, tila imposible sa ganitong sitwasyon Pagbubukas ng ekonomiya, tila imposible sa ganitong sitwasyon Reviewed by misfitgympal on Marso 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.