Facebook

Ang matapang na Kapitana

SINALUBONG ang buwan ng Marso ng mapait na balita na ang kapitana ng Barangay Roosevelt sa Tapaz, Ilo-ilo ay pinaslang ng mga ‘riding in tandem’ sa karatig Barangay ng Malitbog, habang ito ay papauwi sakay din ng kanyang motorsiklo Linggo ng umaga (February 28, 2021).

Ang biktimang si Kapitana Julie Catamin, 49 anyos, ay susi sana sa pagpatay sa siyam (9) na miyembro ng Tumandok Tribe noong December 30 ng nakaraang taon.

Sa tapang at pakikipagtulungan sa awtoridad ni Kapitana Catamin halos nawala ang karahasan dulot ng kmunistang-teroristang samahan ng Communist Party of the Philippines at ang armado nitong unit na New Peole’s Army (CPP-NPA).

Ang kanya ring pagsisiwalat na pinatay ang mga Tumandok Tribe members din sa police operation ng araw na sila ay pagpapatayin ang maaaring dahilan ng pag-ambush sa matapang na kapitana ng barangay, na naglahad na bukod sa pinatay ang mga katutubo ay tinaniman pa ng mga armas ang mga bahay ng biktima upang lumabas sa police operation na nabanggit na ang mga ito ay mga armado at delikadong mga mamamayan ng kanilang lugar.

Sa pagpaslang kay Kapitana Catamin, sinasabi ng Philippine National Police (PNP) Western Visayas, na ang may kagagawan sa kanyang pagkamatay ay mga NPA dahil matagal nang nakakatanggap ng death threat ang kapitana sa grupong kaniyang pinalalayas sa kanilang lugar.

Sa panig naman ng militar, partikular ang 301st Brigade ng Army, kinukundina nito ang pangyayari. Si Kapitana Catamin nga raw ay kanilang kaalyado at isang “peace advocate” na nagbigay daan para sa kapayapaan at katiwasayan ng kanyang lugar, dahil sa kanyang hayagang pagtanggi sa CPP-NPA.

Mismong si Monsignior Meliton Oso, executive director ng Archdiocese ng Jaro, Ilo-ilo ay nagsabi rin na ang pagpaslang kay Kapitana Catamin ay senyales para sa mga naghahangad pang magsiwalat ng mga katotohanan sa mga nagaganap na panghuhuli sa mga katutubo na pinaghihinalaang sumusuporta sa CPP-NPA.

Sino man ang nasa likuran ng pagpapa-patay kay Kapitana Catamin ay kailangang mahuli ng ating mga awtoridada kapulisan o militar man. Kailangang maigawad ang hustisya sa mataang na kapitana. Ang mga gaya niya lider ang ating kinakailangan upang labanan ang kaahasang dulot ng pangaabuso ng CPP-NPA at iabang naghahari-harian.

Paalam Kapitana Julie. Kaisa ako sa mga magsusulong ng hustisya sa iyong pagpanaw.

The post Ang matapang na Kapitana appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ang matapang na Kapitana Ang matapang na Kapitana Reviewed by misfitgympal on Marso 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.