Facebook

6 huli nang mag-FB live sa crater ng Taal

ARESTADO ang 2 lokal na turista at isang bangkero nang pumuslit sa Taal Volcano Island na nakataas sa alert level 2 nitong Martes.
Dumaan sa bayan ng Balete sakay ng maliit na bangka ang mga ito kasama ang 3 pamangkin na menor de edad.
Ayon sa mga inaresto na taga-Tanauan City, nais lamang nila bisitahin ang Bulkang Taal kungsaan sila nagpre-nup nung 2017 bago bumalik sa Italy.
Dahilan ng mag-asawa, saglit lamang sila sa volcano island, ngunit ayon sa pulisya nakapag-Facebook live pa ng 3 beses ang mga ito sa main crater at nahuli paalis na ng bulkan.
“Nagla-live sila doon mismo sa crater ng volcano which is napakadelikado, lalong-lalo na nagtaas sa level 2 ang alert level ng volcano,” sabi ni Police Officer 1 Junior Layosa ng Philippine Coast Guard sub-station sa Talisay, Batangas.
Nitong Martes ng umaga ay itinaas sa Alert Level 2 ang Taal dahil sa patuloy na aktibidad ng bulkan.
Nakapagtala ito ng 28 volcanic tremor episodes, 4 low-frequency volcanic earthquakes, at isang hybrid earthquake na may lalim na mas mababa sa 1.5 kilometro na naitala sa nakalipas na 24 oras.
Ayon kay Talisay Police Captain Llewelyn Reyes, mga residente ang mga vlogger ng bayan ng Balete na maaaring maharap sa kasong paglabag sa Protected Areas Management Board Resolution 65.
Maaaring makulong ng isang taon at multang hindi lalagpas sa P1 milyon ang mga ito.
Mahaharap din ang mga ito sa paglabag sa Republic Act 11038 o ang Expanded National Integrated Protected Areas System and Republic Act 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.
Nasa kustodiya naman ng Department of Social Welfare and Development ang 3 menor de edad.

The post 6 huli nang mag-FB live sa crater ng Taal appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
6 huli nang mag-FB live sa crater ng Taal 6 huli nang mag-FB live sa crater ng Taal Reviewed by misfitgympal on Marso 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.