Facebook

‘Korean Town’ sa Maynila

PINAG-UUSAPAN nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Kim In-Chul, Ambassador of the Republic of Korea, ang pagpapatayo ng “Korean Town” sa Maynila partikular sa area ng Malate.
Ito ang nakasaad sa social media na Twitter ng Manila Public Information Office (MPIO) kung saan masigasig si Domagoso hinggil sa pagpapalakas ng ugnayan ng Lungsod ng Maynila sa Korea.
“Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso expressed intent to strengthen the capital city’s relations with South Korea by establishing Korean Town in Malate,” post sa Twitter ng MPIO.
Ang naturang pahayag ay kasunod ng courtesy call ng Korean Ambassador kay Domagoso sa Manila City hall.
Nagpahayag naman si Domagoso sa Korean envoy na ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ay handang tumulong sa plano ng mga ito. (Jocelyn Domenden)

The post ‘Korean Town’ sa Maynila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Korean Town’ sa Maynila ‘Korean Town’ sa Maynila Reviewed by misfitgympal on Marso 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.