INIREKLAMO ng fish traders sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) si Navotas Mayor Toby Tiangco.
Ito ay dahil sa pagtanggi ni Tiangco na ilabas ang mga imported na isda na nakalagak sa fish storage facility sa Navotas.
Ayon kay Nenita Adalin ng Frozen Fish Association, makailang beses na silang nakipag-ugnayan sa Business Permit and Licensing Office para iapela na payagan na silang ilabas ang mga isda.
Pero paulit-ulit na ikinakatwiran ng BPLO sa fish traders na wala pang utos si Tiangco.
Ayon kay Adalin, kumpleto ang kanilang dokumento sa pagnenegosyo.
Sinabi naman ni Merlyn Tumalad na milyun-milyong piso na ang nalugi sa kanilang hanay.
Oktubre 2020 pa nakaimbak ang mga isda subalit hanggang ngayon ay nasa storage facility pa.
Bukod sa bumaba na ang presyo ng isda, patuloy pang nagbabayad ang kanilang hanay ng storage fee.
Nagdududa ang grupo na maaaring inuuna ni Tiangco na maibenta ang kanyang mga kalakalal dahil nasa frozen fish din ang pagnenegosyo nito.
Bukod sa ARTA, balak rin ng grupo na magpasaklolo kay Agriculture Secretary William Dar at sa Inter-Agency Task Force.
The post Mayor Tiangco inireklamo ng fish traders sa ARTA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: