Facebook

819 pasaway sa curfew, dinakma sa QC

Sa unang araw ng pagpapatupad ng ‘curfew hours’, umabot sa 819 ang naaresto ng pinagsanib na mga tauhan ng Department of Public Order and Safety (DPOS), Quezon City Police District (QCPD), Task Force on Transport and Traffic Management, at Task Force Disiplina sa lungsod, nitong Lunes ng gabi.
Dinala ang mga inaresto sa kanilang mga barangay at inisyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) at kailangang magbayad ng multa sa loob ng limang araw. Kapag hindi agad nakapagbayad sa itinakdang petsa ay kakasuhan na ang mga violators sa City Prosecutor’s Office at lilitaw ito sa kanilang police clearance.
Sa ilalim ng Ordinances SP-2928 S-2020 at SP-2957, S-2020, ang mga mahuhuling lumabag sa ipinatutupad na ‘public safety hours’ at walang face masks sa mga pampublikong lugar ay pagmumultahing ng P300, P500, at P1,000, para sa una, ikalawa at ikatlong pagkakasala,
Subalit sa ilalim ng Ordinance SP-2963 S-2020, ang mga lalabag sa ‘public safety hours’, may katumbas na isang buwang pagkakulong at/ o pagmumultahin ng P1,000 sa third offense.
Ang mga minor o nasa edad 18 pababa na mahuhuling lalabag sa ordinansa ay ang kanilang mga magulang o guradians ang pananagutin.
“Kahit na nagkaroon na ng curfew, marami pa rin ang hindi sumusunod. Gayunman, patuloy pa rin tayong magsasagawa ng operations para maiwasan ang lalong pagdami ng kaso ng COVID-19,” ayon kay DPOS head Ret. Gen. Elmo San Diego.
Nitong March 14, nagpalabas si Mayor Joy Belmonte ng ‘supplemental guidelines’ upang maiwasan ang hawaan ng virus sa mga kabahayan, lugar ng mga pinagtatrabahuhan at mga establisiymento na epektibo nitong March 15.
“Paulit-ulit po tayong umaapela sa ating mga mamamayan na sumunod sa ating minimum health protocols, liquor ban, and curfew hours. Ito po ay ginagawa natin para sa kaligtasan ng bawat isa. Andyan pa po ang virus, at patuloy na kumakalat kung hindi tayo mag-iingat. Kailangan nating panatilihin ang disiplina para mabawasan natin ang hawahan,” apela ng QC Mayor.(Ernie Dela Cruz)

The post 819 pasaway sa curfew, dinakma sa QC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
819 pasaway sa curfew, dinakma sa QC 819 pasaway sa curfew, dinakma sa QC Reviewed by misfitgympal on Marso 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.