Facebook

‘Maliit na bagay lang’ pala ang Covid-19

PARA kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, “maliit na bagay lang” itong Covid-19 na nagpapahirap ngayon sa higit 110 milyong Filipino. Marami raw tayong dinaanan na mas grabe, mas mahirap. Hindi niya raw tayo iiwanan. Kaya ‘wag raw tayo mawalan ng pag-asa, mga kababayan.

Hmmm… maliit na bagay lang pala ang isang taon na tayong naghihirap sa quarantine, naka-facemask at shield. Hirap kumilos!

Maliit na bagay lang pala ang pagkasawi ng mahigit 12,000 nating kababayan sa sakit na ito mula sa Wuhan, China.

Maliit na bagay lang pala ang pagsara ng mga negosyo.

Maliit na bagay lang pala ang mawalan ng trabaho ang 4 mil-yong Pinoy, na hindi alam kung saan kukuha ng malalamon ng pamilya kada araw, at pambayad sa tubig at kuryente tuwing katapusan ng buwan.

Maliit na bagay lang pala ang grabeng pagbagsak ng ekonomiya at pagkabaon sa utang ng Pilipinas.

Maaari ngang ito’y maliit na bagay lang para sa kanila dahil ‘di naman sila apektado ng gutom, secured ang kanilang pamilya, untouchable sila, at magagawa nila ang gusto nila dahil sila ang nagpapatakbo ng gobyerno.

Maliit na bagay lang ito para sa kanila dahil patapos na ang termino nila, bababa sila sa puwesto na hayahay ang buhay. You know!!!

Pero ang mamamayang nawalan ng trabaho, mga negosyong nagsara na iiwanan nila sa 2022, nganga!!! Problemado kung paano makabangon mula sa pagkalugmok sa virus na ‘di alam ng gob-yerno kung paano lusawin. Mapapa-“putang ina” ka talaga!

***

Sa kanyang weekly “public address” Lunes ng gabi, binobola na naman si Pangulong Digong ang masa. Gusto aniya magkaroon ng “mobile vaccination” sa slum areas o sa lugar ng mahihirap na wala aniyang kakayahan bumiyahe patungo sa mga ospital.

“We’re thinking of going mobile, kayo na ang pumunta r if you’re near the barangay you just wait kasi ang order ko ngayon is fot the team to give you the vaccine while travelling. Marami tayong sasakyan. We will use all government assets,” sabi ni Digong.

Maryusep! Anong mobile vaccination ang gagawin eh wala namang bakuna? Anong petsa na, Sir!? Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre 2020 nyo pa ipi-nangako ang bakuna kontra Covid-19. Na oras may magawang bakuna kontra coronavirus ay unang-una magkakaroon ang Pi-lipinas. Ipinagmalaki mo pa na ito’y magmumula sa China at Russia dahil ito ang mga bespren mo at nangako sayo ng bakuna. Anyare? Patapos na ng mass vaccinations ang China at Russia pero wala ang Pilipinas… Dipuga!!!

Sabi mo pa noon, Pangulo, marami tayong pera. Nandiyan lang ang pambili ng bakuna. Anyare? Maraming bansa na ang gumagawa ng bakuna, bakit wala parin tayo? Mga donasyon palang ang dumating, kulang pa sa healthcare workers. Asan na ba ang sinasabi n’yong perang pambili ng mga bakuna? Fake news ba iyon?

Nitong Lunes ng gabi kinontra uli ni Digong ang kanyang inanunsyo noon na maraming perang pambili ng bakuna ang gobyerno: “Alam nyo sa totoo lang, kung may pera lang talaga… kaya lang wala talaga tayo, manghiram pa tayo, then we have to, until now Secretary Galvez is still travelling, but positive naman ang result niya. Maghintay-hintay lang kayo sandali.”

Tsk tsk tsk… nasa 5,000 na ang namamatay sa Covid-19 araw-araw, posible pa raw umabot ng 20K. Tapos maghintay-hintay lang tayo. Hanggang kailan? Eh napakatagal na nating naghihintay, mga Sir?

Tapos biglang maglalabas ng statement ang DILG: “Magsuot ng facemask sa loob ng bahay” para maiwasan daw ang pagkalat ng Covid-19. Yawa!!!

The post ‘Maliit na bagay lang’ pala ang Covid-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Maliit na bagay lang’ pala ang Covid-19 ‘Maliit na bagay lang’ pala ang Covid-19 Reviewed by misfitgympal on Marso 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.