Facebook

Bgy. chairman, 1 pa patay sa hampas ng alon

DALAWANG lalaki ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pagkalunod sa Aklan at Northern Samar.
Sa ulat, Lunes ng hapon nang malunod si Ginagdanan Barangay Chairman Daniel Cantong Sallave sa Bantayan Beach sa San Roque, Northern Samar.
Ayon sa report, nangingisda ang kapitan at dalawa nitong kasama gamit ang lambat nang hampasin sila ng malaking alon na siyang naging dahilan sa kaniyang pagkalunod.
Umabot sa ilang oras bago ma-retrieve ang bangkay ng biktima dahil na-trap pa ito sa lambat na ginamit nila sa pangingisda.
Sa Aklan, narekober ang bangkay ni Ricky Tapayan, 50 anyos, isang araw nang matangay ng agos sa ilog sa Barangay Tondog sa Tangalan.
Sa imbestigasyon ng Tangalan Police, Linggo ng hapon nang utusan ni Tapayan ang kaniyang anak na kunin ang alagang baka sa kabilang bahagi ng ilog.
Pero hindi alam ng anak na sumunod pala ang kaniyang ama at lumangoy patawid ng ilog. Ngunit dahil sa lakas ng agos ng tubig, natangay ito at tuluyang nalunod.
Napag-alaman na nakainom ng alak si Tapayan.
Lunes na ng hapon nang makita ng mga mangingisda sa sakop ng Afga, Tangalan ang katawan ni Tapayan na palutang-lutang sa dagat.

The post Bgy. chairman, 1 pa patay sa hampas ng alon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bgy. chairman, 1 pa patay sa hampas ng alon Bgy. chairman, 1 pa patay sa hampas ng alon Reviewed by misfitgympal on Marso 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.