Facebook

Alex Eala sasabak sa Miami Open qualifiers

NAKATANGGAP si Alex Eala ng wildcard entry sa qualifying round ng prestihoyosong Miami Open na nakatakda sa Marso 22 to April 4 sa Florida.
Ang Rafa Nadal Academy, kung saan si Eala naging scholar sa nakalipas na taon, ay ginawa ang anunsyo sa social media kahapon ng umaga, kung saan ang 15 year-old Filipina sensation ay may tsansa na maglaro laban sa ilang magagaling na tennis player sa mundo.
“Amazing news! 15-year-old RNA player Alex Eala has received a wildcard to play the Miami Open Qualies! Congratulations Alex!” ayon sa post.
Ito ang pinakamataas na tournament na paglalaruan ni Eala matapos sumabak sa W15 at W25 International Tennis Federation tournament mula nakaraang taon.
Bagamat galing si Eala sa first-round exit sa W15 Manacor event sa Spain nakaraang Linggo, meron na siyang pinagmamalaki ng masungkit ang first pro title nakaraang Enero at nakapasok sa quarterfinals ng w25 Grenoble sa France nakaraang buwan.
Ang Miami Open ay ikinategorya sa Women’s Tennis Association na WTA 1000 at Premier Mandatory event sa WTA Tour.
Ang event ay kinansela noong 2019 dahil sa pandemic.
Serena Williams ay nagwagi ng walong titulo sa tournament, kabilang ang kanyang pinakahuli sa 2015, habang ang iba pang mga dating champion ay sina Ashleigh Barty (2019) Sloane Stephens (2018) Johana Konta (2017) at Victoria Azarenka (2011, 2016).

The post Alex Eala sasabak sa Miami Open qualifiers appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Alex Eala sasabak sa Miami Open qualifiers Alex Eala sasabak sa Miami Open qualifiers Reviewed by misfitgympal on Marso 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.